Chapter 8

1.7K 25 0
                                    

Chapter 8 Luna's Birthday Celebration


Her Point of view


Malapit ng magsimula ang birthday celebeation ni luna para sa 3rd birthday niya. Nakakatuwa dahil bakas sa mukha ng anak ko ang saya sa nakikita niya.


Napakabilis ng panahon noon nasa tiyan ko pa lang siya pero ngayon ang laki na niya. Kung dati palagi akong puyat pag tuwing iiyak siya sa gabi at gusto niyang dumede sa akin ngayon ang princess ko ang laki na.


Umakyat na sa stage ang Mc na kinuha ni marco dito sa beach resort ni patrick ginawa ang birthday celebration ni luna. Nalaman ko na may resort si marco dito sa palawan at katabi lang nitong resort ni patrick pero under constraction pa ito kaya kahit gustuhin ni marco na doon si luna mag celebrate ay hindi pa pupwede.


Speaking of marco kanina ko pa siya hindi nakikita simula nung party. Hinanap ko siya sa buong venue pero wala talaga. Kinakabahan ako kasi wala dito si marco panigurado kasing malulungkot si luna.


Napabuntong hinga na lang ako sa naisip kong mararamdaman ni luna dahil hindi nakarating si marco. Nauna na kasi kami dito sa resort two days bago ang birthday ni luna ang sabi ni marco susunod na lang daw siya dito may business meeting lang daw siyang kailangan puntahan.Huminga muna ako ng malalim at iniwaksi ko ang iniisip ko dahil nangako na si marco sa anak namin na dadating siya. Ang theme ng party ni luna ay disney naka suot siya ng yellow gown tulad ng gown ni belle.


Ang mga bata ay nakasuot ng disney character at ang mga magulang naman ay naka casual lang. Masaya naman ang mga bata dahil sa tema ng party ni luna.


Nagsimula na ang program tinawag na ng mc ang mga taong gustong bumati sa kanya at ang mga batang magbibigay sa kanya ng mga regalo.


Nagpasalamat si luna sa mga ito at ngumiti maya-maya lang ay tatawagin na kaming dalawa ni marco pero wala pa din siya mukhang ako lang ang aakyat sa stage gagawa na lang ako ng palusot kay luna kung bakit hindi nakapunta ang daddy niya.


"Please give a round of applause the parents of the celebrant" sabi ng mc


Huminga ako ng malalim at tumayo na. Nakasuot ako ngayon ng white fittef dress na above the knee at naka white stilleo din ako na 5 inch ang taas. Nakalugay lang ang buhok ko kinulot ko lang dulo nito para magmukhang wavy ang buhok ko naglagay lang din ako ng light make-up.


Malapit na ako sa stage ng may humawak sa bewang ko na sanhi ng pagka gulat ko muntik na akong mawala sa balanse kung hindi lang ako hinapit ng husto ng humawak sa akin.Nilingon ko kung sino ang humawak sa akin biglang tumambol ang dibdib ko sa hindi ko mawaring dahilan hindi ko namalayan na matagal akong napatitig sa kanya.


"Done staring at me" sabi niya


Doon lang ako natauhan kaya umayos ako ng tayo at maglalakad na sana papuntang stage na hapitin ako nito at inalalayan sa pag akyat sa stage.


"Parents what is your wish for your daughter? You first mommy" sabi ng mc


One Night with the Governor ( Monteverde Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon