The First day
I take a deep breath and start to walk towards to my room. And guess what?! They're all staring at me. Bakit? May dumi ba ako sa mukha or what?
By the way, I'm Mikaella Aikesha Gonzalez Senshin. A girl with eye glasses. Naka pony tail ako ngayon kasi wala pa akong tulog at mabilis akong mairita kapag nakalugay ang buhok ko. I'm just a typical girl with a typical dream, before I realize who really am. I'm not just typical. And I hate it.
Heading the last row, perfect spot for me na ayaw makakuha ng atensyon. Sakto naman biglang pumasok ang di katangkarang babae na tingin ko'y nasa middle 20s palang. She's simple yet beautiful.
"Good morning class."
Tumayo kami at binati rin namin siya. Tumango naman 'yong babae as a sign of permission na pwede na kaming maupo.
"Okay class, I just want to introduce myself I'm ms. Sanchez, I will be your music teacher and adviser as well. At ngayon na mga seniors na kayo alam kong well-disciplined na kayo." panimula niya habang isa-isa niya kaming tiningnan sa aming mga mata.
"Now let's start."
Tahimik ang lahat na nakatingin sa kaniya. Sinusundan ang bawat galaw, lakad at pagkumpas ng kaniyang kamay habang nagsasalita.
"I already introduced myself and we all know na di pa naman tayo magkakakilala kaya you'll going to introduce yourselves in front." maawtoridad na wika naman ni ms. Sanchez.
Nagsimula na nga silang magpakilala sa harap bawat isa sinasabi ang kanilang pangalan at edad. Meron pa ngang shinare pa nila 'yong origin ng pangalan nila na keshu daw combination iyon ng pangalan ng nanay at tatay niya. Dahil sa nasa bandang likuran ako medyo matagal-tagal din akong tatawagin, mali ata ako ng desisyon sa spot na kinauupuan ko. Aminin natin, pinakauna at pinakahuling tao lang yong napapansin natin sa mga nagpapakilala sa harapan.
Nang ako na ang susunod, tumayo ako't pasimpleng inayos ang aking palda at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Naglakad ako papunta sa harapan at tumingin sa aking mga kaklase. Humarap ako sa kanila with an emotionless face.
"Hi everyone, I am Mikaella Aikesha Senshin, 16 years old, I'm half filipino-half japanese." uupo na sana ako nang may narinig akong nagbubulungan.
Actually lahat sila nagbubulungan tungkol sakin pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad, yumuko at nakinig na lang sa mga bulong-bulungan nila.
"Siya ba yong bunsong anak ni Aikeru Senshin?"-G1
"I don't think so. Mayaman 'yon no tsaka look at her mukha siyang pulubi at social climber."-G2
"Yeah I agree, tsaka mukhang hilaw na japanese naman 'yan eh."-G3
At sabay-sabay silang nagtawanan.
Sige lang. Ganyan lang. Mas maigi na itong nakakatanggap ako ng maling impression. Mas madali ko ring maitatago ang tunay kong pagkatao.
"SILENCE!!! Keep quite class, now—" naputol ang pagsasalita ni ms. Sanchez dahil sa isang lalaking nasa pintuan.
"Excuse me ma'am, sorry I'm late." sabi no'ng lalaking nasa pintuan, may pagka maangas na inosente ang mukha niya. Nag iba bigla yong nararamdaman ko di ko magets, siguro dahil lang 'to sa hilo sa byahe galing Japan. Pagkarating na pagkarating ko kasi dito sa Pilipinas nag bihis lang ako at pumunta dito sa school. Pero mas lumala pa ata no'ng napatingin siya sakin. Ano ba 'to? Umiwas na lamang ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Love String
Teen FictionMikaella Aikesha Gonzales Senshin. The runaway heiress. Did she be able to find her life through her passion or just break her heart in the process of fulfilling it.