The Start
Pagkatapos ng eksena sa Gymnasium. Nagutom ako, kaya nandito ako sa cafeteria ngayon. Wala naman akong balak sumali don eh. Wala ang buong banda. Di ko kakayanin magperform ng wala sila lalo na Si Kael. Ang best friend ko.
Bumili lang ako ng isang mini peperoni pizza tsaka isang small size ng bubble gum shake. Kailangan magtipid. Wala pa akong nahahanap na sideline. Buti na lang maaga ang dismissal namin ngayon due to the meeting between teachers and the other pannels. Makakapaghanap pa ako ng trabaho na mapagkakakitaan.
Pagkatapos kong bumili ng makakain ko pumunta ako sa gilid na bahagi ng cafeteria. Ako lang naman kasi mag isa tsaka everyone sees me as a beggar, poor, dirty or anything inhuman description.
Isusubo ko na sana yung pepperoni pizza ko ng biglang may nagsalita sa harap ko.
"Pwede bang maki-share ng table?"
Tumingala ako sa pinanggalingan ng boses.
Siya pala yong babaeng sumaway sa iba pang estudyanteng nangmamata sakin nong nagtricycle lang ako.
"Oh, sige okay lang."
Umupo na siya sa upuang nasa harap ko.
"Ako nga pala si Monica Gonzalez Dela Vega, ikaw?" Tsaka niya nilahad yong kamay niya sa harap ko para makipagkamay.
"Mikaella Aikesha Gonzalez Senshin."
"Ang haba naman ng pangalan mo. Totoo ba? Ikaw ba talaga yong bunsong anak ng sikat at pinakamayamang business tycoon na hapones?" Deretsahang tanong niya. Napakaprangka niya naman. Sabagay ano pabang dapat paligoy-ligoy pa kung may gusto kang malaman diba?
"Ah-eh... Ano palang year mo na?" Pag iiba ko ng topic.
"Aysus! Kung ayaw mo pa talaga aminin sa'kin, okay lang naman basta ang masasabi ko lang mapagkakatiwalaan mo 'ko." Tsaka naman siya sumubo ng spaghetti na binili niya rin siguro sa cafeteria.
Natahimik ako sa sinabi niya.
"Tungkol doon sa tanong mo grade 12 na 'ko at peace officer ako ng SSG (Supreme Student Government) dito."
"Ah, ganon ba? Kaya pala sinaway mo yong mga nangmata sakin kanina."
"Aysus! Kahit di ako kasali diyan sa SSG na yan, yon at yon parin yong gagawin ko. Di ko hahayaang may mangganon na lang sa tulad natin kung kalevel nga ba talaga kita."
Makahulugang wika niya. Napayuko na lang ako.
"Pero alam mo? Kung wala kapang kaibigan dito pwede mo naman ako maging kaibigan eh, gusto mo bestfriend pa. Kaso di ko alam kung pano maging bestfriend sa isang kaibigan kasi hindi pa ako nagkakaroon non."
Sa huling binanggit niya may na-sense akong lungkot doon. Bakit kaya? Pero nanatili lang akong tahimik. Mahirap mapalapit sa taong ngayon ko lang nakilala dahil di ka naman talaga sigurado sa motibo niya sayo malay mo ginagawa lang niyang way ang pagiging malapit niyo para sa motibo niya diba?
Kumain lang ako ng kumain habang nagdadaldal siya.
Nalaman kong wala naman talagang scholarship program sa University na ito pero pwede magpasok ang mga shareholders ng estudyanteng gusto nilang tulungan. Nagkataon kasing isa sa mga shareholders ang asawa ng tita niya kaya siya naipasok dito at sagot na nila yong tuition. May nakukuha naman siyang allowance sa pagiging officer niya sa SSG at yon daw yong binabudget niya bukod pa sa mga raket niya. Ano kayang raket yon?
"Ang tahimik mo pala 'no?"
Akala ko pagod na siya dumaldal kasi nanahihimik siya ng kaunti.
"Ang daldal mo pala 'no?" Bigla ko na lang nasabi out of nowhere. Kapag kasi madaldal yong kasama ko automatic na nananahimik ako kapag ka naman tahimik yong kasama ko ewan ko ba biglang ako naman yong dumadaldal. Actually di naman talaga ako yong tipong silent person. Nakadepende lang talaga sa kung sino ang kasama ko.
BINABASA MO ANG
Love String
Fiksi RemajaMikaella Aikesha Gonzales Senshin. The runaway heiress. Did she be able to find her life through her passion or just break her heart in the process of fulfilling it.