Chapter 9

15 3 5
                                    

The Manager

Kakaibang saya ang naramdaman ko simula nong malaman kong may relative pa pala ako dito sa Pinas at sa side pa ni mama. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi kami masyadong close ng mga relative ko sa side ng papa ko. Bukod kasi sa halos madalang lang magka-family gathering sa amin, magkaroon man tungkol naman mostly sa business ang pinag uusapan kaya madalas din akong absent sa mga family gathering namin. I'm not interested to business.

Nagpaalam naman si Monica sa mga magulang niya na sasama daw siya sakin pag-uwi para makabonding ako, cousin to cousin. Buti na lang at pinayagan siya since malapit din naman sa bahay yong studio na pagpapraktisan namin bukas. Yes, day 1 na ng pactice namin. Nagbaon  na lang ng masusuot na damit si Monica, medyo madami nga since pantulog, pangpraktis, pangperform at ekstra na damit yong dala niya. Sabi ko nga hassle para sa part niya, sabi niya di naman daw tsaka nandito naman daw ako para tumulong sa kaniya magbitbit.

"Bakit kaya baks, di kayo binanggit ni papa at ng mga kapatid ko sa akin? Ano sa tingin mo--"

Hindi ko na naituloy yong sasabihin ko dahil paglingon ko tulog na siya. Kakaiba talaga tong babaeng to, parang kanina lang ang energetic makipagkwentuhan sa akin tapos bigla na lang nanahimik akala ko nakikinig ng mabuti yon pala tulog na. Nagset na lang din ako ng alarm namin para bukas dahil maaga kami mag aayos para sa praktis.

Nagising ako sa lakas ng music na tumutugtog, kinapa ko yong phone sa gilid ng higaan ko at nong makita 6 AM palang ng umaga 7:30 AM ako nag-alarm.

"Oh baks, gising kana pala." Si Monica na kalalabas lang ng banyo at nakatapis pa ang tuwalya sa katawan niya't nakabalot pa yong buhok sa towel.

Tila shock pa ako sa lahat, ganito naman siguro ang lahat kapag kagigising lang diba?

"Pinahiram ako ni lola ng mga towels, nagtanong din ako kung pwede naba mag-music ang sabi niya okay lang naman since umaga na tsaka madalas din namn daw magpatugtog yong mga kapitbahay ng maaga." habang naghahalungkat ng gamit niya sa bag. "Sorry, nagising ba kita ng masyadong maaga? Naisip ko kasi kailangan natin mag-asikaso ng maaga nakakahiya naman kung unang practice natin sa banda late tayo diba? Tsaka nakatulog ako kagabi sorry, baka di ka nakapag-alarm okay lang namn kasi early bird talaga ako." Pagpapatuloy pa nito.

"Ang daldal at energetic mo na agad baks umagang umaga palang." sabi ko habang nag-aayos ng higaan.

"Syempre naman! Kailangan simulan ng masaya't masigla ang araw para puro goodvibes lang ang mangyari mamaya."

Nag ayos na ako ng mga gamit ko, ekstrang damit lang naman para if ever may gig na agad after ng practice. Pagkatapos kong magbasta ay naghanda naman ako para makaligo na rin.

"Baks, sa baba na lang kita intayin ha. Para matulungan ko din si Lola doon." Paalam nito bago pinihit yong siradora ng pinto.

Oo, maaga talagang nagigising si Lola bukod sa maaga siyang natutulog sa gabi nagluluto na rin siya ng maibebenta niyang pang-almusal sa labas ng gate namin. Marami-rami na rin ang mga parokyano ni Lola sa luto niya kaya sobrang panghihinayang niya kung sakaling di siya makapwesto sa labas.

Agad naman akong naligo, nag-ayos at nagbihis. I just wear tshirt and 2 inches above the knee maong shorts, nakaganon lang din naman si Monica kaya ganon na lang din ang isinuot ko since practice palang naman. Binlower ko ang buhok ko at pinasadahan ng curler yong dulo ng mahaba kong buhok para lang di magmukhang plain na nakalugay. Naglagay na rin ako ng sunscreen, powder at liptint para magka-protection from heat at kulay lang ang mukha ko.

Pagkababa ko, naabutan ko si Lola na nagluluto padin ng mga paninda niya pero naka-ready na sa hapag yong tap-silog ni Monica at Corn-silog naman ang sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon