They're related
Maaga akong gumising ngayon kasi balak kong surpresahin si lola. Ipaghahanda ko siya ng almusal. Nagluto ako ng piniritong itlog, pan cake, at pinagtimpla ko siya ng paborito niyang kape. Ang balak ko ay breakfast in bed kaya mas binilisan ko pa ang pag aayos. Nang biglang...
"Oh Apo, ang aga mo naman nagising." toink! Wala na. Gising na si lola, sira na yong surprise.
"Lola naman eh! Ba't ka gumising agad?!" nagulat siya sa pagmamaktol ko.
"Hala loko kang bata ka! Bakit ayaw mo naba ako magising?"
"Hindi po ganon ang ibig kong sabihin lola." lumapit ako kay lola tsaka medyo nilambing ko siya. Haha! Diba ganto naman kadalasan kapag magpapaalam para pumunta sa ganto o bumili ng ganyan. Uy! Aminin. Gawain niyo rin yan.
"Oh anong problema apo? Kilala na kita. Bata ka pa lang ako na nag alaga sayo kaya alam ko na yang paganyan-ganyan mo." si lola.
Ngumiti naman ako ng pagkalapad lapad sa kaniya, sabi pa nga niya noon sa akin tila minana ko daw itong style ko sa mama ko.
"Magpapaalam lang po sana ako na magkakaroon ng family dinner sa bahay nila Monica at ini-invite niya ako. Pwede po ba akong pumunta mamaya?" I said while pouting. Samahan na rin natin ng puppy eyes.
"Yon lang pala eh. Sige basta wag masyadong magpapagabi ha." Yes! Di ka parin kumukupas, Mika! Haha! Yan na lamang ang nasabi ko sa sarili ko. Agad ko siyang inalalayan para makaupo na at magsimula na kami sa pagkain.
"Apo, paano kung ipinahahanap ka pala ng papa mo?" muntikan na akong mabulunan sa sinabi niya. Si papa?! Imposible, abot hanggang langit galit non sakin eh. Baka nga natuwa pa yon eh.
"Naku! Di yon la, knowing papa? Baka sumaya pa yon nong nalaman niyang umalis ako." sabi ko habang sinisimot yong pagkain sa aking pinggan.
Tapos na rin si lola kaya magliligpit na sana ako nang pigilan niya ako.
"Ako na diyan apo, magbasta kana sa pagpasok para di ka naman maging aligaga." sabi ni lola na nagsisimula na magligpit ng mga pinagkainan namin.
Ay! Oo nga pala. Kailangan ko pa palang i-polish yong concept ng output namin ni Stephen, para kung sakali man na may babaguhin talaga siya don is minimal lang. Nakakapanghinayang din kasi kung mababago lahat, pinagpuyatan ko kaya yon. Nag overnight pa ako sa kanila para don.
"Sige po 'la. Akyat na po muna ako sa room ko." tumango naman si lola.
Nag ayos na ako at nagsuot ng uniform. Next week pa naman kami officially mawawalan ng uniform dahil sa kagagawan ng SSG officers. Like, what is school without uniform? Sobrang pabor na pabor ito sa ibang mga estudyante na gustong maging fashionista sa school at sa mga mahihilig gumimik after school. Alanganin naman sa mga estudyante na kaunti lang yong civilian clothes.
Hindi pala pumasok si Monica, 2 lang naman kasi subject niya ngayong araw. Yong isa wala pa yong prof niya at nagpawritten activity na lang daw. Then yong isa nagsend na lang sa mga emails nila ng mga learning materials para makapagreview sila dahil next class daw nila mag ooral recitation sila. Medyo tamad no? Joke!
Naglecture lang naman kami sa first 2 subjects ko, personal development which is kaunti lang kami don. I don't know bakit ganon. English namin na nagpaplanong magkaroon ng theater activity, sana di matuloy. Bigla namang nagvibrate yong phone ko. Chineck ko at baka may importanteng message.
11:32 AM
Stephen:
Something came up, that's why I didn't able to attend our english subject. See you at the library after your class.
BINABASA MO ANG
Love String
Teen FictionMikaella Aikesha Gonzales Senshin. The runaway heiress. Did she be able to find her life through her passion or just break her heart in the process of fulfilling it.