The effin' kiss
Nakayuko lang ako habang naglalakad sa likod niya. Hindi naman kami close para maglakad side by side. At isa pa, ang sama makatingin sakin nong ibang estudyante, ano bang kasalanan ko sa kanila?
Nang bigla akong bumangga sa likod niya.
"ARAY NAMAN! Bakit ba kasi bigla-bigla kang humihinto—"
Naputol ang paghuhurumintado ko nang mapansin kong wala kami sa library. Masyado atang napalalim ang isip ko at di ko man lang napansin na di naman pala papuntang library yong dinaanan namin.
"Ba't nandito tayo sa parking lot? Akala ko ba sa library tayo?"
"Change of plans."
Aba! Ayos din 'tong lalaking 'to?! Sa'n naman kaya niya balak i-discuss yong project namin. Tanungin mo kaya, Mika. Aish! Nangingialam nanaman 'tong konsensya ko. Ayoko nga, susungitan lang naman ako niyan.
"Aray!"
Sa sobrang space out, nabunggo nanaman ako sa likod niya.
"You're spacing out again!" iritableng wika niya.
"Iniisip ko lang, kung hindi sa library, saan naman tayo magdidiscuss ng project natin?" tanong ko sa kanya pero patuloy lang siyang naglakad at sumakay sa kotse niya.
"Get in. We're going at my house."
Huh?
Napamessage naman agad ako kay Monica, buti na lang pala nakapagpalitan na kami ng phone number kanina. Yes, phone number talaga kasi hindi daw siya mahilig mag-online or social media. Wala naman dawng malalim na rason yon, di lang daw talaga siya nahilig. Agad ko naman siyang minessage, baka lang kasi mag-intay siya sa wala. Ang lakas naman kasi ng tama sa utak nitong lalaking kasama ko ang bilis magbago ng isip.
After kong imessage si Monica at kinonfirm naman niya, sinabihan na lang niya ako na mag-iingat ako at bukas na lang daw niya ako sasamahan. Tumingin na lang ako sa bintana, gaano pa kaya kalayo yong byahe? Kanina pa siya nagdadrive bumibigat na rin yong talukap ng mga mata ko, sinandal ko na lang yong ulo ko.
---
Hmm. Ang bango, ang lambot.
Amoy mens' perfume.
Mens' perfume?
Ba't naman ako magkakaroon ng mens' perfume dito sa kwarto ko?
Not unless,
"Wala ako sa sariling kwarto ko?!" napabalikwas ako ng bangon. Tama! Wala nga ako sa kwarto ko. Ang pagkaalala ko nasa kotse kami ni Stephen. Posible kayang binuhat niya ako papunta dito? Pero hindi imposible namang mag effort siya ng ganon. Pero di rin malabong mangyari diba? Aish! Kung tanungin mo kaya siya Mika, di yong para kang baliw kinakausap mo sarili mo.
"Are you getting crazy sleepy head?"
"Ay kambing na may bangs! Aish! Grabe ka naman Stephen, nanggugulat ka naman eh!" letse! Tumalsik ata kaluluwa ko don ah.
"You've been sleeping too much. And you just wasted 2 and a half hours." sabi niya as usual walang gana plus iritable pa.
Naisip ko lang, pinaglihi kaya ito ng nanay niya sa sama ng loob? Malay ko bang nakatulog ako. Kung nakatulog man ako ba't di na lang kaya niya ako ginising kaysa sa sinusumbatan niya ako ngayon. Tumayo na lang ako at naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Huminto ako sa harapan niya, pa'no ba naman kasi ang laki niyang harang sa pintuan. Tss. Nanunumbat siya na nagsasayang daw ako ng oras, eh siya din naman sus!
BINABASA MO ANG
Love String
Fiksi RemajaMikaella Aikesha Gonzales Senshin. The runaway heiress. Did she be able to find her life through her passion or just break her heart in the process of fulfilling it.