SIN 5 : INFORMATION OVERLOAD

1 0 0
                                    


KYD   POV

*dingdong*dingdon*dingdong*dingdong*

"Arrrrghh.. Ang ingay... Nakakainis !" umuusok ang ilong nya ng tumayo sya sa kama para sugurin kung sino mang nilalang ang nang iistorbo sa tulog nya.

"BAKIT BA ANG AGA AGA NAMBUBULAHAW KA??"bakit ba andito tong ek ek na to.

Tinignan sya nito mula ulo hanggang paa saka hinila papasok.Problema nito?

"Wala bang damit sa closet kaya naka bra't panty ka lang. Magbihis ka nga."

"Ano naman kung ganito suot ko?"ang init kaya saka sanay akong ganito ang pantulog. Presko.

"Eh paano kung hindi ako yung nag doorbell? Kundi yung ibang tao? Magpapakita ka ng ganyan.?"

"Ano bang ipinuputok ng butse mo?"

Napahawak ito sa ulo halatang naiinis na. "Babae ka. Babae !! Hindi ka dapat nagsusuot ng ganyan lalo na kung may mga lalaki sa paligid. Magbihis ka na nga!"

"Hoy.. Nasa teritoryo kita kaya wag mo akong mautos utusan. Ikaw na nga tong maagang nambulahaw kaw pa tong mag iinasta."

"Anong maaga? Wala ba ritong orasan. Alas tres na po kaya ng hapon."

Okay pahiya sya doon ah.

Malay ko ba? Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng matinong tulog simula ng umalis sya sa isla.

"Oh bakit ka ba nandito?"

"Magbihis ka muna. Mag uusap tayo para sa mission mo."

"Nyanyanyanya.."asar nya rito bago pumasok ng kwarto.

Ano ba yan inaantok pa ako?

Tinignan nya ang kama. Para syang hinihila nito. Umidlip kaya muna ako kahit 5 minutes lang. Promise 5 minutes lang talaga.

Lumundag sya sa kama saka ipinulupot ang kumot sa katawan. Para na syang Shanghai.

EZEKIEL MONTEVERDE   POV

Grabe ang tagal ng babaeng yun?  Mag iisang oras na wala pa rin.
Baka gumamit ng tub yun at nakatulog tapos ...tapos... nalunod??!

"Shit! Kyd!" taranta syang tumayo sa pagkaka upo at biglaang binuksan ang pinto ng kwarto nito." Kyd!" napatigil sya sa akmang pag takbo sa banyo ng makarinig ng unggol.

Nasapak nya ang noo ng makitang himbing na himbing ito sa pagkakatulog. "Napaka pasaway na babae. Paano ka kaya natagalan ni Gino" isinara nya nalang ang pinto mukhang pagod na pagod talaga ito.

"Hi kuya ek ek" biglang sulpot ng bubwit sa harap nya.

"Ek-ek? Mukha ba akong aswang?"

"Hihihi. Yun po kasi ang tawag sayo ni kuya kyd"

"Wag ka ngang magpahawa sa kaengutan nun. Teka nagugutom ka na ba?"

Tumango ito.

"Tara tulungan mo ko magluto."

The Little SinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon