Yong naka italic fonts po ay mga flash back.
3:00 PM
KYD HuNTER
Mula sa madilim na parte ng yateng pinagtataguan tanaw ko ang papaliit na anyo ng isla.
Ang dark island. Hindi tulad ng pangalan nito hindi madilim at hindi nakakatakot ang isla. Sa katunayan nga maituturing itong paraiso.
Sa iba kinatatakutan ang lugar na ito dahil tambakan ang isla ng mga taong halang ang kaluluwa. Pero sa mga katulad namin ito ang mundo namin. Ito ang pangalawang tahanan para samin. Ang mundong kaya kaming tanggapin at ang mundong pantay pantay ang tingin samin.
Ang Dark island ay pinamumunuan ng Dark king --ang may ari ng isla. Kasama ang apat na opisyales.
Ang mga opisyales naman ng King ay nagsisilbing taga payo ng hari at ang mga knights.
Ang mga knights naman ang taga pag patupad ng batas na utos sa taas. Sampu ang myembro nito. Sa libong taong naroroon ang mga Knights ang masasabing pinakakatakutan ng mga criminal roon. Dahil sila ang malakas sa lahat ng malakas. At ang lakas nilang sampu ay naka ranggo. Iginagalang rin sila doon.
Meron din kaming mga batas na sinusunod. Katulad ng pwedeng magbugbugan pero bawal pumatay. Bawal maglaban sa loob ng restricted area like dorm,palace at sa kakahuyan. Bawal sirain ang mga halaman at puno. Pati na ang pagmamay ari ng Dark island. Walang nangangahas na sumuway sa mga batas na ito dahil bukod sa torture ang parusa gaya nga ng sabi ko itinuring kami bilang tao sa kabila ng pagiging mamamatay Tao namin or nila kasi wala pa naman akong napapatay pero willing naman ako..
May mga droga at alak rin dito. Bar. Training ground.Shooting area. Halos lahat ng libangan daw sa syudad ay naririto na kaya hindi ka maboboring.
Para naman makakain kailangan naming magtrabaho sa palace o kaya sa kalikasan.
Para sa mga gustong mag bagong buhay dito ka magpatapon masaya dito. Promise. Hahaha .
Every year naman nagkakaroon ng Battle for the knights. Dito ka na magkakaroon ng pagkakataong patunayan angsarili at makasali sa Knights Kung saan may dalawang stage. Una ang survival. Pautakan at pabilisan ang puhunan rito. Sunod ang mismong battle. Ang mga naka survive lang ang pwedeng makarating sa stage na ito. Kung saan pinagsasabong sila. Matira matibay at dito pwedeng pwede kang pumatay. Sampu lamang ang pwedeng maging kampeon. At yun ang tatanghaling mga Knights. At isa sya sa mga ito. Kilala sya sa tawag na rank 2 o si Dos. Three years nya na hawak ang title na ito. Ito rin ang dahilan ng pagkakakilala nila ni Gino...
FLASHBACK
" Pinapakilala ko sa inyo ang bagong bubuo sa round of knights ngayong taon." Palakpakan. "Please come join me here on stage knights" muling sabi ng dark king.
Sabay-sabay silang nagtungo roon at isa- isang pinakilala.
"For the first time in history may babaeng nakapasok sa round of knights."sinamaan ko ito ng tingin kahit sabihin na ito pa ang dark king walang ako paki ang pinaka ayaw ko kasi sa lahat minamaliit ang kakayahan ng mga babae. pero mukhang balewala lamang rito ang death glare ko.."Please welcome Ms. Kyd Hunter. the second rank."
BINABASA MO ANG
The Little Sinner
ActionDark Island . Lugar na tapunan ng mga Assassin, Serial Killer, mga kriminal na di nakayang makontrol ng awtoridad, mga halimaw, mga taong sabik sa dugo at kung ano pang tawag sa mga halang na mga kaluluwa. Once na nakapasok ka dito di ka na pwedeng...