SIN 7 : BLOODY WELCOME

2 0 0
                                    


KYD PoV

"Be ready for your bloody welcome. Kyd Hunter."

Anong ibig sabihin ni mr. Sungit?

"Waaah..LabLab.."

Nagulat sya ng biglang may dumamba sa kanya. Ng tignan nya. Yun kaninang babae pala na maingay sa daan.

"Hindi LabLab pangalan ko."

"Totoo bang ...."

"Hindi keypad yan kaya wag mong pindot-pindutin yan."

Walanghiyang babae. Pindutin ba daw ang dibdib ko. Wala ba syang dibdib? At naiinggit?

"Medyo malaki naman. Hindi lang halata dahil oversized ang t shirt mo. Waahh." yumakap ito bigla. "Minsan na nga lang ako mag ka gusto sa babae pa... Di bale na nga ikaw pa rin ang LabLab ko"

"Hoy Aliyah Fuentes."may humila ritong lalaki. "Mahiya ka nga sa ginagawa mo magpa kipot ka naman sana kahit konti. Hindi yung para kang linta kung makakapit." bumaling ito sa kanya. "Bro pasensya n....ikaw ?"

Si Fuentes boy. Yung nasa yate.

Namutla sya. Grabe ang malas talaga ng araw na to.

"Biruin mo nga naman oh. Kung saan saan kita hinanap dito lang pala kita matatagpuan."

"Kambal magkakilala kayo?"

"Oo sya yung babaeng sinasabi ko"

"Talaga??.. Kambal nga tayo pareho nga tayo ng taste."

"Taste? Aliyah babae ka kaya hindi ka pwedeng pumatol sa kapwa mo babae. Andyan si Dwight Quintuin sya nalang patusin mo. "

"Ayoko nga. Bukod sa mukhang pera yan ang pangit nya pa."

"Ako pangit? Hindi kalang marunong tumingin ng gwapo palibhasa tibo."

depensa nung Dwight.

"Anong sabi mo? Tibo? Halika rito. Ipapakita ko sayo ang ibig sabihin ng tibo."

"Baby Aki. .oh..ina away ako"

Sige mag away lang kayo.

Paatras syang naglalakad para hindi sya mapansin ng madlang pipol. Ng malayo layo na sya saka sya pumihit paharap dahilan para mabunggo sya sa kung saan.

Nang tignan nya ito ay sumalubong sa kanya ang mga matang nagtataglay ng kulay lila.

Nagtitigan sila. Walang kumukurap at kumilkilos sa kanila. Parang nakita na nya ang mga mata na iyon.

"Anong ginagawa mo?"tanong ng apat na taon na lalaki sa batang babae. Nadatnan nya kasing nakasalampak ito sa garden.

"Ayak...Tigyan mo oh. Payehash kayo ni baybie ko ng mata. Magkapatid siguyo kayo no. hihihi."

"Ayak..."

KRIIIIIINNNGG

Napakurap sya ng marinig ang malakas na tunog ng bell hudyat na simula na ng klase.

"What did you say?" nakakunot na ang noo nito ng tignan nya ito?

"Ha? Wala naman akong sinasabi."

The Little SinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon