SIN 8 : QUEEN'S REVENGE

1 0 0
                                    


KYDS PoV

Weewh! Buti na lang nakatakas ako kay Boyet. Grabe walang kapaguran. Hindi talaga ako tinantanan. Buti nalang tinawag ito ng mya kagrupo nito.

Makakahinga na sana sya ng maluwag ng mamataan na naman sya ng mga lalaking may mga armas kanina sa bs building kaya ito na naman sya sa takbo session nya.

Dadalhin nya ang mga ito sa lugar na nakita nya. Sa may pinakadulo yun ng school. Maganda dun walang makikigulo at walang diatraction. Ng makarating na sila roon ay saka naman nag atrasan ang mga gago at nag unahan sa pagtakbo.

"Hoy! Mga pangit saan kayo pupunta? Naduduwag na ba kayo?"sigaw nya sa mga ito.

"Ang ingay!"

"Ha?"hinanap nya ang pinang galingan ng boses. Sa may puno. Lalapitan nya sana ito ng batuhin sya ng kung ano na agad nyang naiwasan. Ng tignan nya iyon ay isang makapal na makapal na makapal na libro. Tiyak kung tinamaan sya noon ay alog ang utak nya.

"Anong gagawin ko rito?"

"Tsk. Kainin mo"

"Ngeek. Ang pakla kaya ng lasa nyan."

"Bakit natikman mo na ba?"

"Hindi pa. Pero ikaw try mo. Sayo naman yan.eh"

Parang tanga na syang nakatingala sa puno. Kung may makakakita man sa kanya baka pagkamalan na syang baliw dahil kinakausap nya ang puno.

"Tsk. Umalis ka na nga rito. Hindi mo ba alam na bawal ang tao rito."

"Sabi na eh. Hindi ka tao kaya pala natakot bigla ang mga gagong yun."

Tumalon ito pababa mula sa puno. Ang tangkad. Mababali ata leeg ko kakatingala." Ang tangkad. Kapre ka no?"

"Ginagalit mo ba talaga ako."

"Ang cute naman ng dimples mo lumalabas pag nagsasalita ka. Smile ka nga. Dalii."

Napaatraas naman sya ng titigan sya ng masama nito." Ito naman di mabiro. Sige alis na ako Bye."

Uwi na nga ako. Sobrang nakakapagod ang araw na ito. At sobrang malas din. Bahala na yang klase ko. Wala naman akong paki dyan dahil nandito ako para sa misyon. Pero bukas ko na uumpisahan napapagod na talaga ako.

Kinabukasan

Sabi ni Nana lilipat daw kami sa penthouse na matatagpuan sa pinakamataas na bahagi ng builduing na iyon. Mas malaki raw iyon at mas maganda kasi sakop noon ang buong floor. Ang yaman talaga ni tandang Gio binili ang Condominium na yun para sa amin.

Naihatid ko na si Loki sa school nya at ako ay kasalukuyang naglalakad papasok ng bs builduing.

Ito na naman ang katahimikan. May kutob na naman syang may hindi na naman mangyayaring maganda.

Ng makarating ng room ay agad nyang binuksan ang pinto.

"Wahahaha!"tawanan ng mga estudyante. Pano ba naman may balde pala ng harina sa taas ng pinto kaya pagbukas nya ayun bumagsak sa kanya.

"Hindi pa tapos"saka sya pinagbabato ng itlog

"Ay nak tokwa. May balak ba kayong gawin akong tinapay!"

Lintek ang lagkit. Maka uwi na nga lang at ng matulungan si nana sa paglilipat.

"Waahh. LabLab. Anong nangyari sayo?"kilala nyo na kung sino yan." Halika meron pa akong damit sa locker. Pasensya ka na ha? Hindi kita matulungan kasi hindi pwede. Dont worry hanggang bukas nalang naman yan eh"

The Little SinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon