2015
Dark island
KYD HuNTER
"HOY Boss nakikinig ka ba ?"pukaw sa akin ni Gino. Ang bestfriend/alalay ko. Kasalukuyan kaming naka upo sa damuhan at nilalanghap ang sariwang hangin habang gumagawa ng plano na gagawin naming pagtakas maya maya lang.
Binatukan ko sya. Langhya tanggal ata tulili ko sa ginawa nyang pagsigaw."Ako bay sinisigawan mo?"
"Hindi naman Boss. Ginigising lang kita kasi akala ko natutulala ka na sa kagwapuhan ko"
Lintek sa kahambugan kaya nakatikim na naman sya ng batok mula sa akin.
"Ano nga uli? Sino nga uli ang gwapo?"pinandilatan ko pa ng mata.
"Wala sabi ko gwapo yung kwago."umiiling iling nalang sya. "Bakit ba kasi nai spaced out ka"
Napabuntong hininga muna ako bago sumeryoso. "Kinakabahan ako. Parang hindi tama. Parang may mangyayaring masama. Ewan. Nalilito ako. Wag nalang kaya nating ituloy ang plano"
Agad naman nanlaki ang mata niya akala ko dahil magagalit sya pero
"Kaba? Oh my god! Ang rank 2 knights ng Dark island kinakabahan. Shit! Dapat natin tong iselebrate!" Tili nya pa na parang babae.
Nakakadiri.. Yuck! Sinabi na nga bat bakla sya eh.
"Aray. Namatok ka na naman. Nakakatatlo ka na ah. I love you na kaya yun?"
Hindi ko narinig yung huli nyang sinabi dahil ibinulong nya lang iyon. "Bakit nagrereklamo ka? Tsaka ano yung binubulong bulong mo dyan ha?!"
"Wala. Sabi ko ito pa yung ulo ko hampasin mo lang ng hampasin hanggang mag sawa ka tutal wala ka na namang pagmamahal sa akin."
This time tumayo na ako at sinipa sya sa binti dahil sa inis."arrayyy!"
"Umayos ka nga para kang bakla.. Tayo na dyan at nagugutom na ako."
"Hilain mo muna ako.." Parang bata na sabi nya at tinaas pa ang kamay.
Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba kahit anong kulit, kaisip bata at kabaklaaan ng hinayupak na to ay di ko sya matiis.
"Bwesit ka talaga!" Padabog kong hinawakan ang mga kamay nya at naglagay ng pwersa para maitayo ko sya. Pero napakunot noo ako dahil hindi naman sya nagpapahila at mukhang ako pa ang hinihila nya pababa.
"Aba't taranta---..shit!"
Akmang bibitawan ko na sya ng bigla nya akong hinila ng malakas pababa at dahil hindi ako handa bumagsak ako sa ibabaw ng katawan nya.
Natulala na lang ako. Sobrang lapit ng mukha nya. At langhap na langhap ko ang mabango nyang hininga.
Napalunok nalang ako ng hawiin nya ang ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa mukha ko.
Ng muli kong tignan ang mata nya sari saring emosyon ang nakikita ko doon.
"Kyd..." Napapikit ako ng marinig ko ang malambing nyang pag bigkas ng pangalan ko. Nanghahalina at nagsusumamo. "Just trust me." Napadilat ako at muling nagtama ang tingin namin. At sa ikalawang pagkakataon kinabahan na naman ako. Na para bang ito na ang huli kong matititigan ang mga mata nya. "Iaalis kita rito." Paanas pang sabi nya.
At dahan dahang lumalapit ang mukha nya sa akin. Hindi na ako makagalaw. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Kung iiwas ba ako o magpapatangay nalang sa tukso.
Hayy. Hindi naman siguro masamang lumandi pa minsan minsan di ba?
Ayan na konti nalang. Kaun--
*bllaagh*
BINABASA MO ANG
The Little Sinner
AksiyonDark Island . Lugar na tapunan ng mga Assassin, Serial Killer, mga kriminal na di nakayang makontrol ng awtoridad, mga halimaw, mga taong sabik sa dugo at kung ano pang tawag sa mga halang na mga kaluluwa. Once na nakapasok ka dito di ka na pwedeng...