TRIPLE X HQ
CHASE FUENTES ( T. X )
"Hitsura pa ba yan ng tao?" pagbungad ko palang sa pinto ng H.Q ng Gang namin dito sa MaFlack Academy ay yun na agad ang isinalubong sa aking salita ni Rojan.
"Saan ka ba nagsususuot? Para kang ni rape ng sampung bakla ah. Gusto na tuloy kitang itakwil bilang kambal." isa pa tong si Aliyah.
Padabog akong nahiga sa lamesa na malapit sa akin. "Pwede ba wag kayo ngayon mang asar. Pagod ako"
"Tumayo ka nga jan hindi kama yang lamesa."
"Pare, ano bang nangyari sayo? Halos dalawang linggo ka ring nawala. Kailangan ka pa tuloy naming i excuse sa lahat ng klase mo,ah"
Napatawa tuloy ako ng wala sa oras ng maalala ang nangyari sa akin nitong nagdaan. Curious ba kayo kung ano nga ba talagang nangyari sa akin?
FLASHBACK
Nagising akong naka tali ang mga kamay at may busal sa bibig.
"Ummm..ummm"
Ano bang nangyari? May naka alam na ba na isa akong espiya?
Naputol ang pag iisip ko ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nun ang lalaking naka sout ng uniform na trabahante ng yate. Nakapikit habang naglalakad.
Tumalikod ito sa akin at nag umpisang maghubad. Maliligo ata.
Inilibot ko nalang ang paningin ko sa paligid. Paano nga ba ako napunta sa sitwasyon na ito?
"So is gonna be forever or its gonna go down in flames you can tell me when its overrrrr....."
Napabaling muli ang tingin ko sa sa lalaki ng marinig itong kumakanta.
Teka ito ba ang lalaking pumasok kanina? Bakit ganyan ang katawan nya. Katawang babae. Teka babae? BABAE?
Halos lumuwa ang mata ko ng mapagmasdan ko ang hubad na likod nito na dinadaluyan ng tubig.
Makinis. Maputi. Makurba.
Teka bakit ang init ata.
"Oh gising ka na pala? Gusto mo na bang kumain?"
Pagpanaginip to please wag nyo na akong gisingin.
BINABASA MO ANG
The Little Sinner
ActionDark Island . Lugar na tapunan ng mga Assassin, Serial Killer, mga kriminal na di nakayang makontrol ng awtoridad, mga halimaw, mga taong sabik sa dugo at kung ano pang tawag sa mga halang na mga kaluluwa. Once na nakapasok ka dito di ka na pwedeng...