SIN 6 : FIRST DAY RUMBLE

1 0 0
                                    


KYD POV

Mabilis na lumipas ang isang linggo at heto kami ngayon ni Loki naglalakad patungo sa magiging klasrom nya. Galing na kaming Principal's office dahil kinuha namin ang i.d nya. Inilagay sya sa grade 3 angkop sa edad nya. Hindi sa pagmamayabang matalino ang batang ito at Proud akong maging ate nya dahil sabi ng principal naipasa raw nito ang pagsusulit. Nagtataka rin tuloy ako ang sabi ni Loki sa kalsada na raw sya namulat how come. Na marunong na itong magsulat at magbasa. Maganda sigurong gawing vitamins ang Panis na pagkain nakakapagpatalino. hahaha. Joke.

Sa isang linggo ring yun na lumipas ay di nagpakita si ek --Zeke pala. Pero si master Gio ang walang palyang dumadalaw roon. Nakikipaglaro kay Loki, nagdadala ng kung anu ano, ipinapasyal kami kahit saan, at kung hindi nya lang sinabi na dad daw ang itawag ko sa kanya muntik ko ng maisip na gusto nya akong gawin asawa.

Binigyan nya pa nga kami ng katulong na hindi ko tinangihan dahil baka mamatay si Loki sa gutom dahil hindi ako marunong magluto.

"Ako nga pala si Elise. Pwede nyo akong tawaging Nana. Nagluto ako ng pagkain kaya halina kayo mga anak"sabi ng babaeng sa tingin nya ay nasa kwarenta ang edad.

"Anak? Bakit nyo kami tinatawag na anak? Eh hindi nyo naman kami anak?" inosente nyang tanong.

Tumawa ito. "Bakit ayaw mo bang tawagin kitang anak?"

Anak. Parang hinaplos ng kung Ano ang puso nya. "Wala po kasi akong ina kaya hindi po ako sanay na tinatawag na anak."

Hinaplos nito ang buhok nya. "Pwede mo akong maging pangalawang ina kung gusto mo?"

"Talaga?"

"Yehey. May daddy na kami may nana pa!!"masiglang sabi ni Loki.

Pinigil nya ang luhang gustong bumagsak. Ganito pala ang feeling ng may pamilya.

Tinuturuan din ako ni Nana ng tamang pagkilos daw ng BABAE. At ang hayop na ekek na yun pala ang may pakana. Tinawagan daw pala si Nana ng tukmol. Nang aasar talaga.

Kanina nga pinapasuot ako ng maikling palda ni Nana dahil yun daw ang isinusuot ng dalaga pero hindi nya ako napilit dahil tinakasan ko sya. Ang init kaya sa labas baka masunog pa ang binti ko.

Buti nalang may ibang mga damit dun sa closet. At buti na rin na wala raw uniform sa papasukan Kong school. Ang saya lang.

Nakakita sya ng tshirt na itim na may larawan ng bungo saka pinaresan ng itim din na pantalon na fit. Isinuot ko na rin ang isang pirasong itim na hikaw na ibinigay ni master este ni dad sa akin. Tracking device daw yun. Mukha na tuloy akong gangster sa may kanto.

"Kyd kinakabahan ako baka may mang away sa akin dito."pukaw sa kanya ni bubwit.

"Akong bahala.oh ito na pala ang klasrum mo."binuksan nya ang pinto. Bumugad sa kanya ang mga maiingay na bata. May naglalaro, nag a away, nag aasaran at meron ding umiiyak. "TAHIMIK!!"

Sya ba bago nating titsherr.?
Nakakatakot sya.
Tara dali baka paluin tayo nyan.

The Little SinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon