~***~
NADIA
"Samgyup."
PUMALAKPAK AKO SA SOBRANG TUWA. Maraming Unli Samgyupsal sa ibang parte ng Angeles, sulit at masarap pa. Hindi ako kumain ng lunch kaya maraming space ang tiyan ko. Siguradong makakakain ako ng marami. Sinindihan ng server ang kalan at iniserve ang mga meat, lettuce, kimchi, at iba pa.
Tumingin ako kay Daze na nakangiti habang pinagmamasdan ako. Nang magtama ang aming tingin, iniwas ko agad ang tingin ko.
Naiilang ako! We just kissed a while ago. It's not that I don't like it, I actually love it. Gustong-gusto ko nga ang mga labi niya. When can we kiss again?
"You like Korean food." he caught my attention when he stated a fact.
"How did you know?"
"Your IG posts, suki ka 'yata ng mga unli sam-g."
Pinaningkitan ko siya ng mata. Isang mapag-asar na ngiti ang namutawi sa labi ko. I even pointed my chopsticks at him.
"Sino ngayon ang stalker sa ating dalawa?"
His laugh sounded wrong. It's like music to my ears. Lalo akong na-a-attract sa kanya.
"Inaamin ko, ini-stalk ko 'yung IG account mo pero 'yung isa dyan todo tanggi." he chuckled then my cheeks blushed.
"Oo na, inaamin ko na, ini-stalk nga kita." nagsimula akong maglagay ng beef sa frying pan. Ako na ang nagluto ng meat dahil simple lang mag-prito. "You like going to museums?"
"Yes, I love seeing old paintings, sculptures, artifacts, and sometimes fossils." He is watching me like I am a wife who's cooking for him.
Parang tinutunaw niya ako sa mga tingin niya. Binasa nito ang ibabang labi na mas lalong nagpa-init sa paligid.
"Gusto kong makita ang mga paintings or sketches mo."
My eyes lit up. I want to show it to him too!
"Punta ka minsan sa bahay! Papakita ko sa'yo mga drawings ko!" excited kong sabi.
I have passion when it comes to architecture especially my drawings, my designs. Masaya akong interesado siya sa mga bagay na pinagkaka-interes-an ko. We should support each other if we want to work things out.
"I hope I can visit one of your masterpieces someday."
"Bakit aalis ka ba?" he shake his head as his answer. "Yon naman pala! Makikita mo pa akong dino-drawing ito hanggang sa tuluyan na silang maging bahay."
Nag-share kami ng mga lumang pangyayari noong highschool, mga interes at hobbies namin. Panay ang asar nito. Hindi pa rin nagbabago pero ayos nga e, hindi na ako ganoon naiilang. I like spending time with him. Di ko inaasahan na magkakasundo talaga kami ni Daze. I thought I'll hate him to the bone.
Kite, I don't think I like Daze.
I really like him.
I do like him.
~***~
"Anong ginagawa mo anak?"
LUMINGON AKO SA MOMMY ko upang sagutin ang kanyang tanong. Nakita niya ako sa kanyang kitchen na nagluluto ng pasta. My mom sat on a high chair and placed her arms on the high table. She has this curious look—alam ko na mapapa-amin ako ni Mommy. She's my mother, of course she knows something is going on.
BINABASA MO ANG
Above Her Past
RomanceThere's only one emotion I feel for him-Hatred. He is the constant source of my irritation. Who would have imagined that being confined in an old room would ignite a connection between us? I am Nadia Alexanders, a grumpy architecture student in MCU...