Warning: Mature Scenes
~***~
NADIA
PARANG BAHAY NI KUYA SA PINOY BIG BROTHER, unti-unti kaming nababawasan sa isla. No, scratch that! It's like we're in Survivor Philippines because we're staying in the island. Noong pang-apat na araw ay umalis ang magkasintahang sina Audrey at Izec. Isang businesswoman na hawak ang sarili niyang oras pero mas nauna siyang umalis sa amin. Sumama din si Izzy dahil sa mga contractual projects niya as a commercial and runway model.
Sa panlimang-araw, sunod na umalis sina Kuya Jean, Sophie, Kite, Raiden, and Sienna. As if they had a discussion about leaving the island beforehand. We enjoyed our five days together by doing different kinds of activities. The Kreall's are rich. Di ka talaga maboboring sa lugar na'to. Maybe they just got bored? Ang sakit lang sa puso dahil hindi nila ako sinabihan, kung hindi ay sasama ako sa kanila pauwi ng Manila.
"I can come with yo—"
"Huwag na, enjoy your days with Daze." sabi ni Kite at binigyan ako ng mahigpit na yakap. "I am expecting my niece pagbalik mo ng Pampanga."
Hinampas ko ng malakas ang kanyang braso. "Gago ka talaga. Ilan ba gusto mo?" patol ko sa biro niya.
"Twelve!" excited na sabi nito.
"Ano ako, baboy?!"
"Edi five. Para basketball team." sabi nito sabay kindat.
"Tama na 'yan, Jilliard." malamig na sabi ni Daze. Inakbayan ako nito upang ilayo kay Kite. "Umuwi ka na at manligaw ng pianist."
Isang mapang-asar na ngisi ang lumabas sa kanyang mga labi. "Ito naman! Kaagad nagseselos."
"Kala mo ikaw, hindi. Nagselos ka pa lang kay—"
"Shut your mouth!" Inis na sabi ni Kite.
"You should do the same, Jilliard."
"Oo na, Kreall. Ingatan mo yan best friend ko."
"Best friend mo rin ako."
"Ito naman, paniniwalaan ko na ako ang mas mahal mo kaysa kay Nadia."
Isang mura ang natanggap niya kay Daze bago tumawatawang sumakay sa yate. I stared at the yacht until it became a dot because of their distance and it vanished into the horizon
"Pinagtabuyan mo sila ano? You asked them to leave?" suspicious kong sabi kay Daze na seryosong nakatingin sa karagatan. I saw a little flinch there. "Sumagot ka, Daze Kreall."
He acted like he's zipping his mouth to hide answers from me. Talaga bang pinagtabuyan niya ang mga kaibigan namin para kaming dalawa ang maiwan sa isla? He owns the island so he has the right but it is not right to push them away.
"Salbahe ka." komento ko.
"Believe me, I didn't push them away. Sophie suggested this."
Sophie did? I stifled a smile.
"She did a great job."
"See! You are expecting! You want this too."
I giggled at his reaction, who wouldn't want this set up? Kumapit ako sa braso niya at ikinaskas ng bahagya ang pisngi ko na parang isang pusa. Naci-cringe ako minsan sa sarili ko pero hinahayaan ko lang lumabas ang affection na nararamdaman ko. Masosolo ko si Daze ng dalawang araw pero masosolo din niya ako. Bumalik kami sa villa at naroon ang caretaker ng isla.
BINABASA MO ANG
Above Her Past
RomanceThere's only one emotion I feel for him-Hatred. He is the constant source of my irritation. Who would have imagined that being confined in an old room would ignite a connection between us? I am Nadia Alexanders, a grumpy architecture student in MCU...