JAMIE
FOR THE next couple of days, patuloy ang pagse-send sa akin ni Mister Y ng photos ko habang umaarte sa stage. In fairness, napaka-persistent at consistent niya! He's dying to make me notice him kaya pinagbigyan ko na. Nag-reply ako sa messages niya at nagpa-thank you sa pag-admire niya sa akin. Men like him wanted attention and appreciation from someone like me. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. At kapag nakuha na niya, hindi na basta-basta masa-satisfy ang cravings niya para sa interaction namin.
Gaya ng inasahan, mas ginanahan pa siyang guluhin ako. Mukhang ayaw niyang palampasan ang chance na pinansin ko siya. I mean, he's so lucky that the Jamie Santiago replied to him. Ang daming nagtsa-chat sa akin, pero ignored ang karamihan sa kanila. He must be worried na baka hindi ko na siya reply-an kaya he's doing everything to keep our conversation going. How? By flattering me with sweet and kind words. Pero may ilan na nakapagpataas sa mga balahibo ko. So gross, so creepy! Nandiri ako sa mga pinagse-send niya, pero kailangan kong tiisin. This was part of my plan after all.
Bago matapos ang week, nakipagkita ako sa isa sa friends ko after class. Dahil sa status ko bilang campus celebrity, hindi na surprising na maraming gustong makipag-friends sa akin. Maraming gustong idagdag ako sa "collection" nila. May ilan akong w-in-elcome sa circle ko. May ilan naman na hindi ko binigyan ng VIP pass sa buhay ko. Always remember: Not everyone deserves to be given a backstage pass into your life. So choose wisely! At isa sa mga masu-suwerte ang ka-meeting ko this afternoon.
May ilang minutes pa bago ang call time sa rehearsal kaya may time pa akong maki-chika sa kanya sa cafeteria. Nauna akong nakarating doon at um-order ng salad habang hinihintay siya. Sa tuwing may estudyante na daraan sa table ko, lagi nila akong nginitian, kaya ngumingiti rin ako pabalik. After ten minutes, pumasok na ang babaeng abot hanggang baywang ang straight na buhok. Wala siyang bangs kaya exposed ang noo niya. Nakasakbit sa balikat niya ang kanyang gray shoulder bag. Matangkad talaga siya, pero lalo siyang tumangkad dahil sa suot niyang heels.
"Rosie!" tawag ko sa kanya sabay ngiti at kaway. She smiled back and waved too. Sabay pa lang kaming kumain noong isang araw, pero parang ilang days na kaming hindi nagkita. Ganyan talaga siguro kapag friends.
"Jamie!" tawag niya pabalik at saka lumapit sa mesa ko. Um-order muna siya ng sandwich bago siya bumalik sa puwesto ko at umupo sa monobloc chair sa tapat ko. "Sorry kung late ako! Late din kasing nag-dismiss ang teacher namin. Hilig talaga n'ong mag-overtime! Sa Teachers' Day, isa-suggest kong regaluhan siya ng relo o orasan para on time na ang class dismissal niya."
Kung may dapat akong i-credit sa obsession—I meant, sa interest ko sa QED Club—walang iba kundi si Rosetta Rodriguez. She's the one who told me about the blog that I was checking regularly. HUMSS student siya habang ako nama'y ABM. Pero naniniwala akong hindi hadlang ang magkaibang strand namin para maging close kami. It's just a label after all.
BINABASA MO ANG
Origins of the QED Club
Mystery / ThrillerQED CLUB: the go-to place of students and teachers in Clark High whenever they have mind-boggling mysteries they want solved. For months, club president Loki Mendez has been managing it alone, but circumstances will force him to open its doors to ne...