JAMIE
THE DAY finally came. Loki's back to school! Hindi ko na ma-contain ang excitement ko noong sabihan ako ni Rosie na naka-set na ang time ng meeting namin sa QED Club. Kahit may group meeting kami para sa Personality Development subject namin, mas pinili ko 'to kaysa ro'n. Sure naman akong maiintindihan ako ng groupmates. Isang "sorry" at pa-cute ko lang sa kanila, mawawala na ang atraso ko. Gano'n ako kalakas.
Before going to the QED clubroom, dumaan muna ako sa girl's comfort room sa third floor. This would be our first official introduction kaya kailangang humataw ako sa first impression. No one would get a second chance at it. Inayos ko ang pagkaka-braid ng buhok ko, sinigurong walang loose strand. Sa talas ba naman ng mga mata ni Loki, baka ma-turn off siya kapag nakita niyang may isa o dalawang hibla na out of place. Nag-apply rin ako nang kaunting make-up para mas ma-accentuate ang facial features ko.
I was bringing my A-game today. This wasn't my hundred percent—siguro nasa eighty-five—pero enough na 'to para magmukhang presentable at charming. Nang ready na ako, lumabas na ako ng comfort room at hinarap si Rosie na sana'y hindi ko masyadong pinaghintay nang matagal. Halos ten minutes yata ako sa loob.
"How do I look?" tanong ko habang pinu-purse ang lips ko. Napahaplos din ang kamay ko sa naka-braid kong buhok. I looked perfect in front of the mirror. Pero minsan kasi, may slight difference sa nakikita ng mga tao sa personal.
Rosie looked at me from head to heels. Lumawak ang ngiti niya at marahang tumango. Mukhang approved sa kanya. "You look gorgeous as always, Jamie! Alam kong seryoso sa buhay at wala masyadong pakialam sa paligid niya si Loki. Pero baka kapag nakita ka niya, matulala siya sa ganda mo."
I tucked some strands of my hair behind my left ear. Ramdam kong nagba-blush ang mukha ko. "Hindi naman siguro! Ang goal ko ay makilala siya, hindi matulala sa 'kin."
"Pwede namang both, 'di ba?" sabi ni Rosie, lalo pang lumawak ang ngiti niya. "O tara na! Malamang naghihintay na sila sa atin."
Hindi gano'n kalayo ang Room 315 mula sa girl's comfort room kaya sandali lang ang nilakad namin. Pagkatigil namin sa tapat ng pinto, sinenyasan ako ni Rosie na lumayo nang kaunti at huwag munang papahagip kapag binuksan na niya. Tumango ako sa kanya.
I could have introduced myself to the club without her help, pero naisipan kong magdala ng wingman—or in this case, wingwoman—para hindi magmukhang super eager kong makilala si Loki.
This is it!
Tatlong beses na kumatok si Rosie bago niya bahagyang binuksan ang pinto. May mahihinang boses akong narinig galing sa loob. Sumilip muna siya sa gap sabay tanong at kaway. "Hi! Nakaiistorbo ba ako sa inyo?"
"We're in the middle of an important—" Whoa! Was that Loki's voice? First time ko pa lang marinig 'yon sa personal!
"Rosie! Tuloy kayo! Wala naman kaming importanteng pinag-uusapan." And that must be Lorelei. She sounded . . . average. Nothing special. Hindi rin pang-singer ang boses niya. "Kasama mo ba ang na-mention mo noong isang araw na potential client namin?"
BINABASA MO ANG
Origins of the QED Club
Mystery / ThrillerQED CLUB: the go-to place of students and teachers in Clark High whenever they have mind-boggling mysteries they want solved. For months, club president Loki Mendez has been managing it alone, but circumstances will force him to open its doors to ne...