Chapter 12: Goodbye, Theater! (For Now)

2.8K 199 43
                                    

JAMIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAMIE

IT'S HARD to let go of what you'd always loved, lalo na kung naging part na 'yon ng buhay mo. Kaya hindi naging madali ang desisyon ko. I gave it a lot of thought, halos hindi nga ako nakatulog kung dapat ko ba 'tong gawin. Tinambang ko rin ang lahat ng factors—ang pro's, ang con's and everything in between. Bago ako tuluyang nagpahinga kagabi, medyo undecided pa ako. Parang namimili ako ng damit na susuotin mula sa wardrobe para sa bonggang event the next day. Pero pagkagising ko ngayong umaga, buo na ang resolve ko. Final and irrevocable na.

"You're quitting the Repertory Club?" pagulat na tanong ni Stein sa 'kin. Nag-meet kami sa labas ng auditorium bandang nine o'clok. Bilang director ng upcoming play, siya ang una kong sinabihan ng desisyon ko. Gusto ko rin siyang bigyan ng time para makahanap ng papalit sa 'kin bilang lead actress. Marami namang talented sa club kaya hindi siya mahihirapang mamili. "Does this have anything to do with Wesley and what he did to you yesterday?"

Mariin ang pag-iling ko. "Let's say na siya ang naging susi, pero hindi siya ang pinaka-dahilan."

"If you're not comfortable with having him around, you don't have to worry anymore. M-in-essage niya ako kagabi at sinabi niyang magku-quit na siya bilang stage manager. If that's not enough for you, we can have him expelled . . . or something much worse. Just say the word, and it will be done."

Masama ang kutob ko sa something much worse niya. "M-in-essage niya rin ako kagabi. Paulit-ulit siyang humingi ng sorry sa 'kin 'tapos nangako siyang never na niya akong lalapitan o guguluhin. I'm already satisfied with his promise. Ayaw ko nang palalain pa. He's creepy, but let's give him a second chance to change. Malay natin? Dahil sa incident na 'to, magbago na ang isip at attitude niya."

"But not everyone deserves a second chance. Some stay the way they are because some traits are deeply embedded in their DNA." Nagliwanag ang mga lente ng salamin niya nang humarap siya sa liwanag. He looked so sinister, 'tapos seryoso pa ang boses niya! "Kindness and compassion are double-edged swords. You can use them to win people over, but people can use them against you to do you wrong again."

"Trust me on this one!" pilit ko. "Don't do anything to him, okay? Let him be."

"Fine." Huminga siya nang malalim. "But you mentioned that Wes is the key to you quitting the club. There's no need to leave if he's already out."

"Sa totoo nga niyan, dapat pa akong magpasalamat sa kanya. Siya kasi ang nagsilbing bridge para malapitan ko ang QED Club at makapag-establish ako ng initial connection. Kaya ko siya tinawag na key kasi siya 'yong nagbukas ng pinto. Nasilip ko kahapon kung ano ang nasa loob. At napagdesisyonan kong pumasok."

It's a coincidence that I was really, really grateful for. Parang nag-align ang mga butuin sa langit para i-grant ang wish kong magkrus ang landas namin ni Loki.

"You're joining them? Seriously?"

"Uh-uh!" Tumango ako na may kasamang smile. Minsan, joker ako. Pero alam naman niya kung kailan ako nagseseryoso at nagbibiro sa mga desisyon ko. "Weird, I know. But my mind's made up already. Buong gabi kong pinag-isipan 'to. Nothing can change it anymore."

Origins of the QED ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon