Malaki ang ngiting pinagmasdan ni Haze ang sarili sa salamin. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan, bahagya pang namumula ang kaniyang magkabilang pisngi habang ang mga mata'y kumikinang sa tuwa. Her reason? It's the two red lines in that PT she used earlier. She noticed the symptoms a week before Dos left, pero pinili niyang ignorahin iyon, not until recently kung saan nagsusuka na rin siya, and that was when she decided to take a pregnancy test. Napaaga man ay masaya siya at magkakababy na sila ng lalaking mahal niya—si Dos. Alam niyang masyado pang maaga para magka-baby sila pero hindi niya mapigilan ang excitement sa katawan niya. She was just so happy. Noong una ay natakot pa siya na baka nagkasakit siya, wala pa naman si Dos sa condo para alagaan siya. Nasa Italy kasi ito kasama ang mga kapatid dahil ipinatawag ng mga magulang, mga isang linggo sila roon kaya naman naiwan siyang mag-isa sa condo ng binata. Gusto pa sana siyang isama ni Dos pero siya na mismo ang umayaw, masama ang pakiramdam niya at isa pa nahihiya siya sa mga ito. She was not born into an elite family, she's an orphan since sixteen, she lived alone in their house for years until she graduated high school. Ni hindi nga siya nakapag-aral ng kolehiyo dahil wala naman siyang ipangtustos sa sarili. Kaya naman nahihiya siyang sumama para makilala ang buong angkan ng lalaking mahal.
Kasalukuyan siyang nagluluto ng agahan sa condo ni Dos para sa sarili at sa baby nila na nasa sinapupunan niya. She lives with Dos since they got together, wala na siyang mga magulang, wala na siyang mauuwian, at wala na rin kasi siyang kamag-anak na malalapitan lalo pa at ang tanging kapatid ng mama niya ay pinalayas siya pagkatapos lang ng isang taon niyang pamamalagi sa mga ito. Dagdag palamunin lang naman daw siya sa pamamahay na iyon kaya napilitan siyang bumalik sa bahay nila kahit mag-isa lang siya, ni hindi nga siya pinagtapos ng mga ito sa pag-aaral kahit kasya naman hanggang kolehiyo ang naiwang pera ng mga magulang niya para sa kaniya. Sa huli, naghanap nalang siya ng trabaho at saka nag-ipon para maipagtapos ang sarili sa pag-aaral ng high school. Ang kaso lang mahirap mangarap kapag walang pera, hindi niya kayang pag-aralin ang sarili sa kolehiyo kaya nagtiis na lang s'ya na mamasukan sa bakery bilang sales lady. At doon niya nakilala si Dos, regular customer kasi ng bakery na iyon si Dos, VIP pa dahil halos araw-araw ito kung bumili ng cake o kahit anong matatamis, palibhasa mahilig sa sweets ang angkan nila. Kahit saang anggulo tingnan, hindi sila bagay ni Dos, mayaman ito, hindi lang basta mayaman, kung hindi sobrang yaman, matalino, nakapag-aral sa sikat na unibersidad na para lang sa mga mayayaman kagaya nila. Eh siya, hindi naman sila naghihikahos dati, hindi rin siya lumaki sa hirap pero nang mawala ang mga magulang ay wala siyang perang kaniya, wala siyang maipagmamalaki lalo pa at hindi man lang siya nakatuntong ng college. Napakalayo niyang tingnan, ang hirap abutin, kaya para sa kaniya isang magandang panaginip ang mapansin nito, mas lalong hindi kapanipaniwala na mahalin nito. But he did. He was serious about their relationship, he even introduced her to his cousins, and his brothers. Mabuti na lang at mukhang wala naman sa mga ito na mahirap lang siya.
"Huwag mo lang saktan ang kapatid ko, ako na ang bahalang magpaliwanag kina mamá at papá kung bakit hindi mapakali ang anak nila" seryosong saad ng nakatatandang kapatid nito pagkatapos ay bumaling naman kay Dos.
"At ikaw naman, sasanayin na kita sa responsibilidad mo. Hindi pwedeng hindi specially if you wanted to keep her. You can't have our parents approve of you settling down if you can't even handle your responsibilities." Babala naman nito sa kapatid na kinabahan na sa training na magaganap sa kaniya.
"Don't worry brother, tutulungan naman kita. Hindi naman kita pwedeng pabayaan na lang sa trabahong hahawakan mo dahil maraming umaasa sa hotel and resorts natin" dagdag pa nito, akala ni Haze ay tungkol sa kapatid ang inaalala nito pero hindi pala, ang mga trabahador pala. Ang totoo gusto niyang matawa kasi nakikita niyang takot si Dos sa istriktong kuya nito.
"Kuya naman eh"
"Just don't put them in danger, or yourself" strikto pa rin nitong saad. Pero kahit hindi ipakita ng kuya ni Dos ay halata namang nag-aalala ito sa kapatid. One thing she admired the most about them. Wala kasi siyang kapatid kaya hindi niya alam ang pakiramdam na may kuyang aalalay sa iyo.
"Anyway, kailangan daw natin umuwi ng Italy next week, importante" iyon lang at saka tuluyang umalis si Uno at iniwan silang dalawa.
Haze sighed at that. She was happy despite the nervousness she felt in her system. Ilang araw na lang ang palilipasin niya at makikita na niya ulit si Dos. Matapos niyang kumain at hugasan ang pinagkainan ay nag-half bath na rin siya para mapreskohan ang katawan niya. Nasa ibabaw siya ng kama, kinakalikot ang cellphone habang naghihintay na dalawin ng antok. Hindi pa tumatawag si Dos, ibig sabihin lang noon ay busy pa siya. Nagbuga siya ng hangin at akmang papatayin na ang cellphone para makatulog na ay biglang umingay ang notification ng cp niya, tiningnan niya kung may message ba galing kay Dos pero wala namang mensahe mula sa binata, bagkus ay isang email ang dumating. An email from an anonymous user. Hindi niya alam kung kanino galing ang email, wala rin siyang maisip na tao maaaring mag-send sa kaniya, at mas lalong hindi niya maintindihan ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. She didn't know where that nervousness came from, it was filled with inexplainable fear, takot na noon niya lang naramdaman. With her trembling hands, she opened the message and almost automatically dropped the phone on the bed when she saw what's inside. Hindi lang iyon simpleng mensahe na naligaw sa kaniya, it was definitely for her, the message was intended for her to read, to see.
Leave Dos alone, get out of his life. He's mine, and only mine. Iyon ang nakasaad sa mensahe, kalakip noon ay mga litrato ni Dos kasama ang isang magandang babae, sopistikada, at halatang galing sa mayamang pamilya. Isang taong nababagay sa kagaya ni Dos. There were pictures of Dos dancing with the woman, them kissing somewhere near the restroom, a silhouette of them kissing in the dark corners of the garden, them being so intimate, and them sleeping on the same bed. Nanlalaki ang mga matang nakatingin lang si Haze sa mga iyon, her eyes dampening as the tears were pooling at the corner, her hands shaking, trembling, her heart beating rapidly, her breath getting shallow. Halos hindi siya makahinga sa nakikita, sumisikip ang kaniyang dibdib at tila pinupunit at ginutay-gutay ito ng isang mabangis na hayop. Ang kaninang nag-iinit na mga mata at mga luhang nagbabadyang pumatak ay tuluyan nang dumaloy sa kaniyang pisngi. Hindi niya maintindihan kung bakit, kung paano nagawa ni Dos ang ganoong bagay. Hindi man siya sigurado kung bago o matagal na iyong naganap ay hindi niya mapigilan ang masaktan, bilang isang taong nagmamahal, masakit ang makitang may kasamang iba ang mahal mo, specially when they were that intimate with each other and only God knows what they did. Pero hindi na niya kailangang itanong pa sa Diyos kung ano ang namamagitan sa dalawa, hindi niya rin alam kung mayroon nga, pero sapat na ang mga larawang iyon para durugin siya. And the fact that she's pregnant with his child makes her even more emotional, like all her rational flew off with the wind.
At doon nabuo ang isang pasya. Ang iwanan si Dos, hindi niya kayang maghintay pa, hindi niya rin kayang harapin ang binata. Aalis siya sa poder nito habang wala ito. Nag impake siya ng damit niya sa bag na dala niya nang dumating siya sa condo ng binata, doon ay isinalansan ang lahat ng gamit na mayroon siya, pagkatapos ay tinanggal niya ang sim ng cellphone niya, pinutol ang lahat ng komunikasyon sa pagitan nilang dalawa.
Hawak ang impis niyang tiyan ay kinausap niya sa utak ang anak na ilang linggo pa lamang. Ang tanging alaala ng kaniyang minsang pag-ibig na natagpuan sa lilim ng mga ulap.
Anak patawad kung lalaki kang walang daddy, ayos lang nandito naman si mommy. Kahit gaano kahirap ang buhay na wala ang daddy mo kakayanin ko para sa 'yo. Huwag mong iiwan si mommy ha?
Hilam ang luhang pinatay ni Haze ang lahat ng ilaw at saka tuluyan siyang lumabas ng condo. Naglakad siya ng walang direksiyon, ang mga luha ay patuloy na pumapatak, kung saan man siya dalhin ng tadhana ay wala na siyang pakialam basta makalayo lang siya sa lugar na iyon, sa lugar na minsan na niyang inakalang paraiso. Muli ay nilingon ni Haze ang lugar na minsang naging tahanan kalakip ng kaniyang pag-ibig, at inakalang langit na natagpuan, pinagmasdan niya ito sa huling pagkakataon bago tuluyang nilisan ang tahanan ng kaniyang pag-ibig at pagkabigo.
__
A/N: Ginusto niyo 'yan di ba? Gusto niyo ng update eh kaya eto na hahahahaha di joke labyu
BINABASA MO ANG
El Greco series 2: Hiding the billionaire's heiress
Fiction généraleRated SPG Dos Polaris El Greco and Astraea Haze Castro She ran away from him. He chased her years later. She's afraid to give in to love one more time, and he's more than willing to chase her, to bend his knees for her love and acceptance. Will the...