"Mommy, Daddy" Hezekiah's voice echoed throughout the house as she called for her mommy and daddy. Nagkatinginan naman ang dalawa bago nagmadali sa pagbibihis dahil hinahanap na sila ng anak.
"Dos bilisan mo, asikasuhin mo anak natin" pinandilatan ni Haze si Dos habang nagsusuot ng bra, nakatingin kasi ito sa dibdib niya imbis na magsuot ng damit. And when Dos realized that their daughter was probably looking for them, he wasted no time and put on a shirt and his pants. Pagkatapos ay kaagad na lumabas at saka tinungo ang anak. Nakahinga naman ng maluwag si Haze nang mawala sa paningin niya si Dos, at least hindi na magtataka ang anak kung nasaan ang mga magulang niya kung naroon na ang daddy niya.
Nang matapos siya ay agad siyang lumabas ng kwarto para puntahan ang mag-ama niya. Nanonood ang dalawa ng Barbie movies, hindi niya rin alam kung bakit hindi na lang Frozen ang panoorin ng anak, ayaw niya raw kasi malamig. Gusto niya iyong may butterfly, at saka glitters kagaya ng sa Barbie.
"Mommy" tawag sa kaniya ng anak nang makita siya. Tinungo naman ni Haze ang mag-ama niya at saka naupo sa tabi nito.
"Naligo ka po mommy? Wet kasi ang hair mo" pansin ng anak. Tumango naman siya rito dahil hindi niya alam kung paano sasagutin ang anak. She didn't lie though. Naligo naman talaga siya, but it wasn't just that. Nang mapatingin siya kay Dos ay nakita niyang nakangisi ito. She rolled her eyes on him. It was partly his fault.
"Princess, tingnan mo si Barbie oh, hinahabol ng frog" Dos decided to butt in. Dahil doon ay naibalik ang atensiyon ng anak sa pinapanood na movie.
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil doon. Mabuti na lang na naibaling ang atensiyon niyo sa movie at hindi na ito muling nag-usisa pa dahil hindi niya rin alam kung paano sasagutin. Knowing her daughter, she could easily put two things together.
Dinner came and the family of three were already set to dig in to their food. Nag-pray muna sila bago kumain. Habang abala si Dos sa paglalagay ng ulam sa plato ng mag-ina niya, si Haze naman ay inaasikaso ang kanin ng anak.
"Mommy, I want a baby brother po" Hezekiah blurted out of nowhere. Nasamid naman si Haze sa sariling laway dahil sa narinig mula sa anak. Mabuti na lang at hindi pa siya nakasubo ng pagkain o hindi kaya ay umiinom dahil paniguradong mabubulunan siya sa gulat.
"Princess, hindi ba napag-usapan na natin 'yan?" She asked gently.
"Pero mommy" Hezekiah pouted, still not giving up on her request.
Hindi naman alam ni Haze kung paano sasabihin sa anak na hindi pa talaga ito magkakaroon ng kapatid dahil matagal pa bago mangyari iyon. Ni wala pa nga sa tiyan niya ang kapatid na hinihingi nito. Dos reached for her hand and squeezed it gently, as if telling her he could handle it.
"Princess, hindi kasi madali ang hinihingi mo kay mommy. Matatagalan pa 'yon" Dos tried to explain.
"Paanong matagal po daddy?" Hezekiah asked innocently.
"Ilang months pa kasi siya sa tummy ni mommy bago mo makikita, iyon ay kung may baby na loob ng tummy ni mommy. Pero ang kaso kasi Princess, wala pa si baby brother sa tummy ni mommy. So hintay ka muna okay?" Dos smiled at their daughter as he explained.
Hindi naman makapaniwala si Haze sa narinig kay Dos. Really? Kailangan talagang sabihin sa anak na wala pang laman ang tiyan niya? Naghihimutok si Haze sa loob-loob niya, pero hindi niya rin masabi ang nasa isip. Hindi niya rin naman kasi alam kung paano sasabihin sa anak eh. Bakit kasi kapatid pa ang hinihingi nito, eh ang hirap kayang manganak? She grumbled in her head.
"Segi po" nakatungong sagot nito at saka nagpatuloy sa pagkain. Hindi na ito nagsalita pa pero halatang hindi masaya na siyang ikinailing na lang ni Haze. Her daughter could really be stubborn, just like the father.
BINABASA MO ANG
El Greco series 2: Hiding the billionaire's heiress
Fiksi UmumRated SPG Dos Polaris El Greco and Astraea Haze Castro She ran away from him. He chased her years later. She's afraid to give in to love one more time, and he's more than willing to chase her, to bend his knees for her love and acceptance. Will the...