CHAPTER 12

48 5 0
                                    

Chapter 12

Jasha's POV

Its been days at feeling ko maraming nagbago.Una ang pagsulpot ni Shina na ex daw ni Charles at ang manager nila.Pangalawa,pansin ko ring iniiwasan ako ni Charles at hindi ko alam kung bakit .Pero okey na rin yun at least medyo gumagaa n yung trabaho ko.Di na rin sya nangungulit tungkol don sa girlfriend nya ko kuno.Much better right?

Bumababa ako sa hagdan ng may marinig ako sa kusina Kaya doon na ko dumaretso.Si Charles pala ,naghahalungkat sya na parang naghahanap ng pagkain.

"Charles nagugutom ka ba?Gusto mo ipaghanda kita?" tanong ko sa kanya.

"SIR" pagdidiin nya na ang ibig sabihin ay yun ang dapat kong itawag sa kanya.

"SIR,gusto nyo po bang ipaghanda kita?" tanong ko ulit pero tumalikod lang sya at pumunta sa sofa at binuksan ang T.V.

Sanay na ko na ganyan sya dahil pangatlong araw na ganyan ang ugali nya yung tipong cold na nga yung personality nya mas naging cold pa sya,may halo ring pagkadamuho.Minsan nga tinutulak nya ko sa sofa pagnanonood ako tapos gusto nya ring manood.Nako kung di lang kita amo eh!

At dahil amo ko pa rin sya.Pinaghanda ko pa rin.Maaga pa naman para sa trabaho.

"Jasha?mauuna na kami sa restaurant may emergency daw eh"biglang sumulpot si Kean habang naghihiwa ako ng sibuyas kaya nagulat ako dahilan para mahiwa ako.

" A-ah...Hayst bakit kasi nanggugulat ka?!"sigaw ko sa kanya.Di ko mawari ang mukha nya kung lalapit ba sya o ano.Naiilang pa siguro sya.Pero at the end lumapit sya at nanghingi ng sorry.

"S-sorry talaga" sabi nya at hinihipan pa ang daliri ko.

"Okey na!sige na mauna ka ma tatapusin ko lang to" sabi ko at binawi na ang kamay.Ang sama na naman ng tingin ng damuhong yun sa kin.Inaano kita?!

Pagkatapos kong maghanda di ko na sya tinawag di naman sasagot yun.Iniwan ko na lang yung pagkain don.

Maingat kong isinara ang pinto.Baka kasi magreklamo na naman ang lalaking yun.

"Ang tagal mo" napalingon ako sa nagsalita.

"Kulas"

"Anong ginawa mo sa loob?" tanong nya.Sinabayan nya ko sa paglalakad.

"Nagluto,pinagluto ko si Sir" natatawa kong sagot.Tumawa rin sya.Abnoy.

"Sino nga pa lang Sir?" tanong sya habang tumatawa.Tumigil ako sa pagtawa.

"Abnormal" pataray kong sagot at naunang maglakad.Akala ko pa naman naiintindihan nya ko Kaya sya tumatawa.

" Beshy Jash"tawag nya.Lihim akong napangiti.Kahit kaibigan lang ang Turing nya sa kin okey lang.

"Beshy pag may kasalanan" di ko pa rin sya tinitingnan.Tinatawag nya ko ng ganon bilang biro at pag aalo.

"Sorry,nagjojoke lang ako."sabi nya.

" wala sa hulog ang joke mo"sagot ko.Humarang sya sa harap ko at hinawakan ang balikat ko.

"Di mo man lang na-appreciate yung paghihintay ko sa yo tapos di mo pa ko papansinin?" wow.nagdrama na.

"Tsk Tara na nga nagdrama ka pa dyan"sabi ko.

Pumasok kami ng cafe na tumatawa.Abnormal pa la ang nagustuhan ko.

................

"Here's your order mom" inilapag ko na ang cake na inorder nya saka ako umalis.

Hayst....umupo ako at namalong baba habang pinagmamasdan ang mga tao.Ang boring wala kasi sila Shilo and company.May trip daw sila at ilang araw pa bago makauwi.May naisip akong gawin!

Royal Thief [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon