CHAPTER 16

47 5 0
                                    

CHAPTER 16: 🐽

Jasha's POV.

*Kinabukasan*

Maaga akong nagising para di ko sya makita bago umalis.

Habang naghihiwa ng mga ingredients sandali kong binaba ang kutsilyo at nilapat ang kamay ko sa dibdib ko malapit sa puso.Ganito ba ang heart broken?Sa una ka lang masasaktan ng grabe pero ngayon wala kong maramdaman na sakit.Hmm but its better right?

"Wala kang makapa?flat ka kasi" Nag-init ang ulo ko sa nagsalita.Flat?!WTf?!

"Anong sabi m--"

"Ang sabi ko flat ka"he cut me off.

" Woi!Mr.Charles Delacroix!Anong batayan mo at nasasabi mo yan?!"sigaw ko sa kanya.

"Kung titingnan mo kasi halatang flat " parang balewa lang sagot nya.Kumuha sya ng pinirito kong hotdog take note nakakamay sya saka kinain yun.

"Baboy" sabi ko at inumpisan ng igisa ang mga ingredients para sa fried rice.

"Mas mataba ka nga" nabitawan ko ang sandok sa sinabi nya.H'wag mo syang pansinin Jasha.

Kinuha ko ulit ang sandok at Nagluto na.Di ko na lang sya papansinin.Ganyan ba sya manligaw?Abnormal.Ang aga aga nangbubwiset.

"Woi Misis" di na sya nag-eenglish pero nakalimutan nya yung deal namin na malalalim na Tagalog dapat.

"Pag di mo ko pinansin..." sinadya nyang parang pabitin yung sinasabi nya pero di ko pa rin sya pinansin.

Kinuha ko na ang kanin at nilagay sa ginisa ko.

"Hoy!Di mo talaga ko papansinin?!" pinigilan ko ang sarili ko na matawa.Parang bata.Bahala ka dyan.

Naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod.

"Kailan mo nga ko ulit sasagutin?" Tanong nya at pinatong ang ulo nya sa balikat ko.Bakit hinahayaan ko syang yakapin ako?

"Mga 6 years pa" sagot ko.

"Ano?!" ouch bakit ba sumisigaw sya?Pinatay ko na ang apoy sa stove at humarap sa kanya.

"A-aray!" daing nya dahil sa pagpingot ko sa tenga nya.Baliwis eh.

"Sinisigawan mo ko?" tanong ko habang hawak pa rin ang tenga nya.

"H-hindi n-na!a-aray naman!" abat sinigawan pa rin ako oh!Pinandilatan ko sya ng mata.

"Oo na...sorry na" Yan very good.Binitawan ko na sya pero nagulat ako ng hatakin nya ko at pwersahing yakapin.

"Sagutin mo na ko...give me a chance" malambing pero demanding na sabi nya."Please give me a chance two months or may be hanggang sa matapos ang training mo?Just give me a chance "sabi nya.

Pagbibigyan ko ba sya?

" Pa'no kapag di nagwork?"tanong ko.Humigpit ang yakap nya.

"Akong bahala" sagot nya.

"Sige" biglang lumuwag ang yakap nya.Nagulat yata.

"Really?" tanong nya.Tama ba tong ginagawa ko?

"Ayaw mo?" Kumalas sya sa yakap at tahimik na umiling saka yumakap ulit sa kin.

"Thank you" bulong nya.Niyakap ko rin sya pabalik.Nakakatuwang nakita ko ang ibang side ni Charles.

Nicco's POV.

Pagkagising ko Pagkatapos kong maligo Bumaba na ko sa kusina.

Habang naglalakad nakita ko si Charles na pumasok sa kusina,di ako napansin?kaya dimaretso  na ko sa kusina.

Royal Thief [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon