EPILOGUE

102 4 3
                                    


Epilogue

Jasha 's POV.

"My dearest Chasey....ano na naman itong nababalitaan ko na may ginawa ka na naman sa school?" Mahinahon kong tanong sa anak ko.

"I didn't do anything Ma, swear" malamig nyang sagot. Bakit ba ganito ang batang ito?

"I-rereklamo ka ba kung wala kang ginawa?" Still mahinahon pa rin ang boses ko.

"Ma,listen I just corrected my teacher! Dapat nakukuha ko yung mga dapat kong makuha which is a right and fruitful knowledge, right?" Padabog sya tumayo at naglakad papasok sa kwarto nya.

"Chase! Nag-uusap pa tayo!" Sigaw ko sa kan'ya. Ang batang yun saan ba nagmana? Susundan ko sana kaso pinigilan ako ni Charles.

"Pabayaan mo na, tama naman yung anak natin kailangan tama ang mga itinuturo sa kan'ya." Pinaupo nya ko sa sofa. Nakaka-stress ang batang yun.

"Kaya namimihasa dahil kinukunsinti mo eh! " umupo muna ako sa sofa.

"Cherry!?Cherryl?!" Tawag ko sa kambal. Kailangan ko ng distraction para di na ko mainis sa batang yun.

"Yes mommy?" Sabay nilang sagot nang makarating sa harap namin. Ang ku-cute nila talagang nakakawala ng stress.

"Which one of you is Cherryl?" I ask.

"Me!" Nalito ako ng sabay silang sumagot.

Hinatak ko ang inaakala kong Cherryl. "I guess you are Cherryl?" I said.

"Mommy she's not! I'm the real one" apila naman ng isa. Bakit ba kasi pareho sila ng damit?

"Kids! Lying is a sin" pangaral ko sa kanila. Sabay silang humagikhik. Ang sarap sa tenga. Lumapit din sa'kin si Cherry? At sabay nila akong hinalikan sa pisnge.

"Ikaw ba talaga ang nanay nila? Hanggang ngayon nalilito ka pa rin eh" sabat ni Charles na nakatingin lang sa amin.

"I just confuse! Ako ang mommy nila,right babies?" Baling ko sa dalawang bata. Humagikhik na naman sila. Ano yon tinatanggi nilang mama nila ako?

"Guess what who's Cherry" hamon nya sa akin. I pinch the right cheek of the girl in the right side.

"You are Cherry right baby?" I said.

"You are wrong Misis that's Cherryl" napawi ang ngiti ko sa sinabi nya. Parang mas na-stress pa lalo yata ako.

"Sige na Cherryl and Cherry maglaro na kayo. Puntahan n'yo sila granny."

"Nakakalito talaga sila" nasabi ko na lang. Kailan ko ba makakabisado yung kilos at galaw nila? Hayst.

"Don't stress your self Misis, soon you'll know" niyakap nya ko. Sana nga.

"Sweet" pareho kaming napalingon Kay Chase. Lumapit sya at kumapit sa'kin . Bago to ah?

"Ma....I'm sorry ...promise I didn't do anything!" Nawala ang cold nyang boses at napalitan ng lambing. Paano ba ako makakatanggi sa kan'ya eh minsan lang sya gan'yan?

"Okey, apology accep---"

"Okey, kakain na ko" napatulala ako ng mabilis syang tumayo at bumalik na sa dati ang boses. Ang batang yun naisahan na naman ako.

"Ang tagal naman ni Sean," reklamo ni Chase habang kumakain. Yes ganon sya kagalang,Sean lang talaga.Masyadong nagmamadali eh kararating lang rin naman nya galing school.

"Maraming ginagawa ang kuya mo sa school Chase kaya maghintay ka" sagot ko. "At saka wala ka bang masyadong ginagawa sa school mo?" Tanong ko sa kan'ya.

Royal Thief [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon