Sa loob ng apat na sulok ng kwarto na ito, hindi maipagkakaila ang mga sikretong nabuhay dito. Sa loob ng isang buwan naming magkakasama, may mga sikreto na kinimkim ng iilan
Sa kwartong ito, iilan lamang ang mga nakakaalam ng mga sinabi ko. Kasama ka kaya doon o magiging isa ka sa mga mangmang ng section na ito?
Isa ka ba sa mga traydor? O isa ka sa mga walang alam na maaari naming paikutin?
Sabagay, wala naman talagang nakakaalam kung sino at bakit ko ito ginagawa. Kung mamamatay ako, mauuna ang mga mangmang na may mataas na tingin sa sarili at isusunod ko ang mga traydor sa loob ng Room 302
Nasa sayo na kung iisipin mong mamamatay-tao ako o hindi pero isa lamang ang itatanong ko sa iyo
Sino kaya ako sa mga taong makikilala mo?
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS CASE OF ROOM 302
Mystery / ThrillerSino sino ba sa mga taong sumasailalim ng kwartong ito ang tunay na salarin? Isa ka ba sa mga mangmang o isa ka sa mga nakakaalam ng tunay na sikreto ng klase ng Room 302?