"Do you ever think of the reason why Satan became Satan himself?"
---
𝙷𝙰𝙽𝚉
Unang tapak ko palang sa room ay kakaiba na ang nararamdaman ko. Excited at kabado. May kakaibang aura akong nararamdaman and no, hindi ako si Ed Caluag
I'm Hanz. Don't worry, hindi lang name ko ang pogi, I'm also handsome in person, my lady. Hawak ang strap ng back pack ko, naupo ako sa aking magiging upuan sa buong school year. Pangatlong linggo na namin bilang 9 MeyerNakatingin lang ako sa pagpasok ng mga kaklase ko at sa pag upo nila. I'm only observing their body movements and gestures. Surprisingly, some of them are loud enough to strike a conversation while some of them are quiet enough you would hear a pin drop
Napansin ng lahat ang pagpasok ng class president namin, si Evan, which we were confused. Dapat may English kami pero nakakapagtaka kung bakit wala pa ang teacher namin
"Wala daw si Ma'am eh kaya free time tayo" simpleng sambit ni President Evan. Everyone cheered while some of them nodded. Pagkatapos maupo sa tabi ng Vice President namin ang President namin upang makipagchikahan, tumayo si Jared sa harap
Nakangisi siya na tila may naisip na napakagandang ideya "Guys, may naresearch akong napakagandang laro" sambit nito na ikinapukaw ng interes ng marami. Hinihintay namin siyang magsalita muli kaya naman itinuloy niya "Alam niyo ba yung Murder game?" tanong nito
"Ay alam ko yan. Magandang game yan tsaka marami tayo kaya maeenjoy nating lahat! Nice idea!" ani ni Jasmine na may kasamang pagpalakpak. Ang iba sa kaklase ko ay nakakunot ang noo, tila hindi maganda ang iniisip nilang laro habang ang class officers naman ay may halo halong ekspresyon
"Sure, why not di ba?" Evan said. Huminga naman ng malalim ang iba. Ano ba ang iniisip nitong mga to at Murder game talaga ang gustong laruin? Ngumisi si Jared at inexplain na ang laro
"Bubunot tayo sa bowl na puno ng papel at makukuha ang mga roles natin. May mga murderer, innocents at ang chessmaster. Sa umaga ay magbobotohan tayo kung sino ang murderer. Ang pangalan ng pinakamaraming boto ang itatakwil at out na siya sa game. Kapag gabi, magsisimula nang pumatay ang mga murderer. Isang murderer lang bawat gabi at hindi pwedeng sabay sabay. Kapag namatay ang lahat ng biktima, tapos ang laro. Kapag namatay ang chessmaster ay tapos din ang laro at kapag natanggal ang lahat ng murderer ay panalo ang mga biktima. Ang chessmaster ang makakaalam kung sino ang mga murderer pero hindi siya pwedeng magsalita. Pwede lang siyang magdrop ng hints at mananalo siya kapag siya ay binoto ng mga biktima. Okay game?"
"Ah so parang among us lang to? May crewmate, impostor tsaka jester?" tanong ni Zemirah, ang secretary namin. Ngumiti at tumuro pa si Jared sa gawi nito "Exactly!" aniya
"Papano natin malalaman kapag gabi na?" tanong naman ni Keisha. Nilabas ni Jared ang phone niya upang ipakita ang clock app nya "May 1 minute tayong umaga at 5 minutes tayong gabi" he replied. Tumango naman ang lahat and I can't help but feel unease
"Ang mga namatay at binoto ay hindi na maaaring magsalita kapag namatay na sila. Okay na ba?"
We all agreed kaya naman nagsimula na ang game. As expected, nabunot ko ay Victim. Nakapalibot kami at nasa gitna ang cellphone ni Jared na nakaset ng timer. Start na ang gabi. Ipinikit namin ang mga mata namin at kahit na laro ito ay kabado pa rin ako
Nang magring ang cellphone ay binuksan na namin ang mga mata namin ay nagulat kami nang makita ang duguang katawan ni Nico. Nagtilian ang mga babae at napalayo. Nakakapagtaka kung bakit wala man lang kaming narinig na sigaw galing sa kanya. Sa dibdib nito ay may papel kaming nakita
THE GAME HAS BEGUN
Malamig na pawis ang gumagapang sa katawan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin at irereact. Tinignan ko ang mga kaklase ko. Sino naman sa amin ang makakagawa nito?
"Itago natin ang bangkay" may kabang sabi ni Alexis. Tinignan siya ng marami at lumapit si Seb sa kanya at sinuntok ito habang hinawakan ito sa kwelyo ng damit "Tanga ka ba?! We just witnessed a murder!" galit nitong sabi
Agad na hinawi ni Alexis ang kamay nito at tinignan ito ng masama "Gusto mo bang ipagsigawan sa campus na ang section na ito ay may namatay na estudyante?! Kung oo edi sige! Ipakita natin sa kanila ang bangkay!"
Pumagitna ang presidente namin at tinignan kami "Itago niyo dun sa likod ng whiteboard. Walang dapat na makaalam nito" seryosong sabi ni Evan. Lahat kami ay nagtinginan, tila naghahanap ng sagot
"Magsigalaw na kayo bago makita ng mga teacher si Nico!" galit na sigaw ni Pres kaya naman ang mga lalaki ay binuhat ang katawan nito at itinago sa likod ng whiteboard. Ang ilan sa mga babae naman ay nilinis ang nagkalat na dugo sa sahig gamit ang mga pamunas. Tinulungan ko na rin ang mga kaklase ko na linisin ang dugo sa mga mesa namin
Matapos nito ay hingal na hingal kaming naupo sa mga upuan namin. Namumutla at hindi makaimik ang lahat "Walang makakaalam ng nangyari dito, okay?" sambit ni Ada, ang vice president namin
"Tama, tayo tayo lang makakaalam nito" pagsang-ayon ni Evan
"Babalik kami nila Maiko dito para itapon yung katawan. Mahirap na at baka mangamoy pa" sambit ni Alexis kaya naman napatango na lang ang lahat
"Hindi ba't pwede naman nating ireport to? Malamang hahanapin ng mga magulang ni Nico-" Natigil sa pagsasalita si Gwyneth nang ibagsak ni Jared ang kamay niya sa lamesa niya "At para madungisan ang pangalan ng Meyer?!" galit nitong sabi
"Tama na yan" Zemirah said, calming the situation. Secretary namin siya and I am surprised she's keeping a good front after all that happened "Pangalan ng Meyer at pangalan natin ang madadamay dito. It's hard for us all pero I guess our best decision is to hide Nico's body" Zemirah added
Napafacepalm na lang ang iba at hindi na umimik. Naramdaman ko ang pagtapik ng katabi ko sa akin, it was Jacob "Okay ka lang ba dito sa decision nila?" tanong niya. Hindi ako umimik. Masyadong mahirap pagdesisyunan ito lalo na't dito nangyari ang nakakabahalang pangyayari
Nagsalita muli ang presidente namin kaya napatingin kami dito and he's words left us in shock
"Isa itong sikreto ng room 302"
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS CASE OF ROOM 302
Mystery / ThrillerSino sino ba sa mga taong sumasailalim ng kwartong ito ang tunay na salarin? Isa ka ba sa mga mangmang o isa ka sa mga nakakaalam ng tunay na sikreto ng klase ng Room 302?