"The line between mercy and love is too thin"
---
𝙼𝙰𝙸𝙺𝙾
Hanggang ngayon ay kinikilabutan ako sa mga pangyayari. Nakita ko kung paano mamatay si Stephen sa harapan ko. Kung papaano siya binaril ni Zemirah. Nakakatakot sila. Para silang mga hayop na nakalabas sa mga kulungan nila
Pati ang minamahal kong Francine
Napansin ko ang grupo ng mga estudyante na nagkukumpulan sa harapan ng room namin. Ano na naman to? Nagulat ako nang may mga pulis na nagbuhat ng isang katawan at laking gulat ko nang makita ang bangkay ni Cedryk. Nagsimula na naman sila sa pagpatay
"Uy, okay ka lang?" tanong ng kadadating na Francine. Hindi ko siya tinignan ngunit nagsalita ako "D-Did you kill him...?" nanginginig kong tanong. I heard her snicker at nilapit niya ang mukha sa aking tenga "You shouldn't have asked that, Maiko" seryosong ani nito at nilagpasan ako
Nakakatakot siya. Parang hindi na siya ang Francine na nagustuhan ko noon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Para akong baliw na nagugustuhan pa rin siya kahit na alam kong isa siya sa mga mamamatay tao
Dumating si RK at si Elisse, magkahawak ng kamay. Simula ng magdate sila, para silang mga baliw. Kinalimutan na ata nila ang mga nangyari noong nakaraan. Nakangiti sila sa akin "Uy, Maiko, club tayo mamaya?" yaya ni Raymund sa akin
Tumango na lang ako. It wasn't a bad idea. We all need a break sa mga pangyayaring ito. Napansin ko naman ang paglapit ng pulis sa amin as I sighed
"Well, after the interrogation, we will go clubbing"
---
𝙰𝚁𝚃𝙴𝙼𝙸𝚂
"What do you need my help for, Tsuki?" tanong ko dito. She glanced at me "I want us to kill Maiko, Artemis" sambit nito sa akin
Nasa labas kami ng club kung saan nagpunta ang mga asungot na yun. Biruin mo, may namatay na sa kanila, magkaclub pa ang mga tanga. Sarap pag uuntugin
I raised a brow. Wala namang sinabi si Alexandrite na papatay kami ngayon. Unless this is her personal issues attacking?
"Nagpaalam na ko kay Alexandrite. She wanted us to finish this as soon as possible" dagdag ni Tsuki. Tumango na lang ako. Hayst, naging utusan pa ko ng isang to
Pumasok na kami sa loob ng club as I scattered my eyes to find them. I snickered. Maiko, Evan, Raymund, Kyla and Elisse are here. How infuriating
Nakita ni Tsuki na nagpunta si Maiko sa cr, halatang lasing na lasing na ito. Meh, what an imbecile
"Manmanan mo lang siya, ako ang tatapos sa kanya, magccr lang ako" bulong ko dito at nagpunta ng cr ng mga babae. As I opened the door of the cubicle, bigla akong napasandal nang may tumulak sa akin papaloob as my eyes widened
Ewan ko ba! Bakit ba kasi siya andito?!
"Gaia, what the hell?!" galit kong bulong dito. She only stared in my eyes "The mission is cancelled, let's go, Artemis" ani nito
Na naman?! Bakit ba lahat ng mission na involved ako laging nakacancel?! Nakakademonyo naman oh!
"No, I will kill him so stop interrupting my mission, Gaia!"
"I'm talking to you as Alexandrite, Artemis. The mission is cancelled!"
Before I even replied, biglang pumasok si Elisse sa cr ng mga babae kaya naman inilapit ni Gaia ang kanyang mukha at hinalikan ako upang hindi makita ang mukha namin
What the fuck?!
"Tch, nasty" narinig kong sabi ni Elisse at pumasok sa isang cubicle. She pulled away and made me confused on why the fuck she did that
"What the hell, Gaia?!" pabulong kong singhal sa kanya. She wiped her lips "This is your fault, kung kanina pa tayo umalis edi sana hindi nangyari to. Now let's go, you're an idiot for being so stubborn" at hinatak ang kamay ko
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ginawa niya pero hinayaan ko na lang ito
Ang mga taong tulad namin ay dapat hindi makaramdam ng pag ibig. Mamamatay tao kami. Makakasagabal ang pagmamahal at awa sa mga misyon namin
Pero bakit parang nanghihinayang ako?
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS CASE OF ROOM 302
Mystery / ThrillerSino sino ba sa mga taong sumasailalim ng kwartong ito ang tunay na salarin? Isa ka ba sa mga mangmang o isa ka sa mga nakakaalam ng tunay na sikreto ng klase ng Room 302?