"I was the successor of Death"
---
𝚃𝚂𝚄𝙺𝙸
Kabado ako ngayong paikot ikot sa mansion. Nagsimula na sila at hindi ko alam kung bakit ang bilis. Ginawa pa talaga nilang opportunity yung kay Jared!
Napansin ko ang pagpasok nila and I can't help but feel angry. How can they kill him habang lahat sila ay andudoon?!
"Calm yourself, Tsuki, you're losing your composure" Artemis spoke while tapping my shoulder which I flinched "How can you be so reckless to kill him?! Sa harap pa talaga ng lahat?!" galit kong sigaw sa kanya
Ang mga mata niyang mapupungay ay nawalan bigla ng kulay nang hatakin niya ko malapit sa kanya. Nakakatakot siya kapag napupunta siya sa ganoong estado "You entered this game long before Jared took this opportunity so don't fucking tell me what to do, Tsuki" she coldly said. I felt my knees shaking at buti na lang dumating si Gaia
"Enough of that, Artemis. Let go of Tsuki already, she's shaking" sambit ni Gaia kaya naman agad akong binitawan ni Artemis. I fell on my knees to catch my breath. The tension was too high. Gaia pulled me up at inupo ako sa sofa, handing me some water
"Chill out, Tsuki. Ganyan talaga si Artemis. She's too... egoistical kaya magdahan dahan ka sa mga salita mo. She planned this perfectly" Gaia spoke softly "I can fucking hear you, Gaia. Just for once manahimik ka nga katulad ng ginagawa mo sa school!" Artemis scowled
The latter scoffed "Cool your head, Artemis, bago kita buhusan ng dugo ng baboy dyan" Gaia said, rolling her eyes. Padabog na umalis si Artemis at sumunod naman ang pagpasok ni Hades, fixing his glasses
"Did you have fun?" Gaia asked innocently. Nakangisi naman si Hades "Artemis prepared well for the kill. A true huntress after all" sagot nito
"Masyadong maganda ang pagplano niya so let's be careful or we might be discarded as well" dagdag ni Hades, fixing his clothes. Nakangisi lang si Gaia at pinanood ang pag-akyat ni Hades sa second floor ng mansion. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nakakatakot sila. Mukha silang inosente pero kayang kaya nilang pumatay
All because of her
Pumasok siya at tinignan kami. Her cold eyes were staring at our souls as she spoke "What happened here?" she asked. It was her. The reason behind all of this
Alexandrite
"Nothing much. Artemis and her got into a little argument but we're fine!" Gaia happily said. Alexandrite nodded and left the room, leaving muddy tracks on the carpet. Ano nga ba ang tinatakbo ng isipan mo, Alexandrite? Ano ang dahilan ng pagdanak ng dugo sa kwartong iyon?
---
𝙹𝙴𝙽𝙽𝙸𝙲𝙰
Isang araw na ang lumipas simula ng may mangyari sa silid aralan. Katahimikan, yan ang tanging maririnig. Walang sinuman ang sumubok na basagin ito. Nawala ako sa pag katulala ng may lumapit sakin. Evan. The mighty class president.
"Beh okay ka lang?" Tanong nya. Tumango na lang ako "H-Hindi ko lang m-maintindihan ko bakit... b-bakit kailangan gawin nila ito." pagwiwika ko na may halong panginginig ang boses.Kailangan ba talagang humantong sa ganito? Mag kakatalikuran na nga ba kami? Minsan talaga ang mga kaibigan mo ay hindi kaibigan ang turing sayo
Tinapik niya lang ang balikat ko "Wag kang mag-alala. Pamilya tayo dito noh. Walang mangyayaring ganito ulit okay?"
Nagulat kami nang pumasok si Kristel at Louise, hingal na hingal. Nagtataka naman naming tinignan ito "Oh? Anong nangyari?" tanong ni Gabriel
"S-Si... S-Si Nicole! Patay sa Math Lab!" pasigaw nilang sabi. Nanlaki ang mga mata ng lahat at nagsitakbuhan pababa sa first floor, kung saan makikita ang Math Lab. Nakita namin ang nakasabit na bangkay ni Nicole na ikinagulat namin
"W-What the hell..." sambit ni Elisse. Agad na binaba ng mga kalalakihan ang bangkay ni Nicole at nilagay sa upuan. Gulong gulo na kami. Kahapon si Nico ngayon naman si Nicole?!
"Wag niyong gagalawin ang katawan niya" ani ni Althea. Tinignan namin siya nang makahulugan. Nababaliw na ba siya? Mamaya may makakita sa amin!
"Elisse, di ba may asido sa chem lab? Kunin niyo nga ni Samuel" utos nito. Kahit na natatakot ay agad na tumango ito at tumakbo sa Chem Lab. Tumingin naman siya kay Evan "Magsiakyat na kayo, I'll dissolve her body in no time"
Nakakatakot ang boses niya. Si Althea ba talaga siya? Eh close sila ni Nicole di ba? Sabay pa nga sila sa lunch!
Tumango si Evan at sinimulan nang paakyatin ang mga kaklase namin. Mahirap na, mamaya may makakita sa aming estudyante at pasalamat na lang kami na naunang makita nila Kristel ang bangkay
Nakakatakot. Para siyang class clown namin at namatay siya. Natatakot ako na baka isunod ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Nakakabaliw. Nagulat ako nang hawakan ni Zire ang kamay ko at ngumiti. Papano niya nakukuha ang pag ngiti habang may namatay na?!
"Kalma. Kaya na yan nila okay?" sambit nito at tumango na lamang ako. Nag-iba na ang mga kaklase ko. Hindi kaya ang mga killer ay nasa loob ng classroom namin? Nanginginig ang mga kamay ko pati na rin ang mga tuhod ko
Sabi ni Evan hindi na daw mauulit. Anong nangyari? Bat may sumunod pa? Bakit ganito? Sino ang may pakana nito?
Ano ba talagang nangyayari?!
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS CASE OF ROOM 302
Mystery / ThrillerSino sino ba sa mga taong sumasailalim ng kwartong ito ang tunay na salarin? Isa ka ba sa mga mangmang o isa ka sa mga nakakaalam ng tunay na sikreto ng klase ng Room 302?