CHAPTER 03: DEALING WITH TRAITORS

82 7 1
                                    

"You shouldn't mess with Satan's daughter"

---

𝙺𝚄𝚁𝚄

Lumipas na ang isang gabi matapos mangyari ang pag patay. Nakatayo ako ngayon sa terrace ng mansion, nag iisip ng malalim

Makikita mula sa kinauupuan ko ang mabagal na pag sikat ng araw. Hudyat na malapit na magising ang mga halimaw at malapit na rin maganap ang susunod na pag patay

Di nag tagal nakarinig na nga ako ng mga yapak. Nag labas ako ng malakas na buntong hininga at inihanda ang aking sarili na harapin sila.

"Good morning!" masiglang bati ni Gaia, habang dirediretsong naglalakad palapit sa akin

Sumunod sa kanya sina Miyeon, Artemis at Tsuki. Sa pagkakaalam ko, mag kagalit sila kagabi. Anong nangyari? Mood swings lang?

Mabigat na naupo si Tsuki sa harap ng lamesa. May problema nanaman itong isang ito sigurado.

"Alam ko yang tingin na yan, anong problema, Tsuki?" naiiritang tanong ni Artemis sabay irap. Mula sa pag katulala binaling ni Tsuki ang tingin nya kay Artemis.

"What you guys did was unexpected, you really took the chance to kill huh? And you did it even twice" malamig at walang emosyon na wika ni Tsuki.

Napa singhal na lamang si Artemis dahil sa sinabi nya. "Ayan ka na naman, why do you have to stick your nose in other people's business?" halatang nagagalit na si Artemis sa paraan ng pag sasalita nito

"Girls, enough of this already, masyadong maaga para sa bardagulan nyo" awat ni Hades na kakapasok lang kasama si Z

"Si Tsuki kasi paulit ulit nalang!" pasigaw na sabi ni Artemis sabay turo kay Tsuki na walang emosyon ang mukha

"Artemis is right, Tsuki, what even is your point?" mahinahong tanong ni Gaia, habang hinahalo ang kape nya

Matagal na katahimikan ang bumalot bago sumagot si Tsuki

"My point is that you guys should watch out, wag kayong mag pakampante. Kung mag papadalos dalos kayo ng galaw hindi malabo na malaman nila kung sino ang nasa likod ng mga pag patay. You guys shouldn't trust anyone" mahabang litanya nito

Natahimik na lamang sila. Tumayo si Tsuki at nagsimula ng mag lakad palayo. Pero bago siya makalabas ng kusina mag binulong sya na hindi nakatakas sa aking pandinig

"Sometimes the ones you trust will be the one that will stab you in the back." wika nya at tuluyan ng umalis

Di na ito pinansin ng iba at nag situloy na sa pagkain na nakalatag kanina pa sa lamesa

Pero nanatiling umiikot sa aking isipan ang sinabi ni Tsuki

Ano ba talagang tumatakbo sa isipan mo?

Pumasok naman si Alexandrite na tinitigan kami ng masama. Hindi siya umimik sa mga pagbati ng mga kasamahan ko ngunit tumitig siya sa akin

"Kuru, pumunta ka sa office ko after your breakfast. We need to talk" malamig niyang sabi at nagpatuloy sa paglalakad. Tumingin naman ako sa iba, nagtataka

"Just go, Kuru, wag mo nang painitin ulo ni Alexandrite" Miyeon said as I nodded. Naglakad na ko papunta sa office ni Alexandrite. I felt chills down my spine a I walked in to see her on her table. Nakita ko rin ang lugaw na inihanda ko sa kanya

Fuck

Nagulat ako nang sumandok siya sa lugaw na ito at isinubo niya "Start the process with Jared and Chloe" wika nito at nilunok ang lugaw na kanyang kinain. Napalunok ako. Did she already figured it out?

"Don't kill them yet. Tawagan mo ko pag tapos na ang preparation" dagdag ni Alexandrite. Sa bawat pagsubo niya ng lugaw ay kinakabahan ako at dumoble lang ito nang magsalita siya

"Did you really think that you could kill me that easy, Gabriel?"

Nanlamig ang buong katawan ko. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin as I saw how her lips curled into a smirk. This is her real self

The psychopatic maniac Alexandrite

"Kakabili ko lang ng lugaw na to at hindi yung hinanda mong may lason ang kinakain ko ngayon. Hindi ako tanga, Gab. Don't you fucking underestimate me" galit nitong sabi sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Wala na. Ang plano kong patayin siya ay bumalik sa akin

Katapusan ko na

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin, giving me a heavy blow on the cheek "Ako ang nagturo sa inyo kung papano pumatay kaya't wag kang gagawa nang katangahan sa harapan ko!" singhal ni Alexandrite sa akin

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili "But don't worry, hindi mo pa oras. Simulan mo na ang pagtrabaho kina Chloe at Jared. Leave them unharmed. Titignan ko kung papano gagalaw sina Gaia at Hades" nakangiting sabi ni Alexandrite sa akin

"Of course, Alexandrite" I spoke. She patted my head as I flinched when she grabbed my hair "Do this stunt again and I will let you fucking join the others in hell. Ako pa mismo ang magdadala sayo kay Satanas, naiintindihan mo?"

I gritted my teeth as I nodded. Mali ang ginawa ko. Masyadong maaga pa para pagtangkaan ang buhay niya. Huwag kang mag-alala, Alexandrite. Ikaw ang nagsimula nito pero ako ang tatapos

THE MYSTERIOUS CASE OF ROOM 302Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon