"The Goddess of Nature is the Harvester of Souls"
---
𝙶𝚆𝚈𝙽𝙴𝚃𝙷
First time kong kumain sa canteen. Usap usapan ang pagdating ng presidente ng school pati na rin ang usapan sa mga nagaganap sa room namin
Hayst, nakakalungkot talaga na wala si Nicole. Siya pa naman nakakaalam ng mga crush ko! Nakakainis hmp! Nauna pa talaga ang bruha. Pwede naman si ano!
"You seem tensed, okay ka lang?" tanong ni Naomi sa akin. Ngumiti lang ako "Oo, okay lang ako. Nakakamiss lang si Nicole" sagot ko rito
"I see" simpleng sambit ni Naomi. Sanay na ko sa mga simple niyang sagot kahit na sobrang ingay niya dati. Siguro dahil sa mga pangyayari na naganap noong nakaraan, naging ganyan na siya
"Hmm, ilang minuto na lang. Akyat na tayo?" yaya ko sa kanya at simpleng tango ang sinagot ni Naomi
Lumabas kami ng canteen at umakyat na sa room namin. Hawak hawak ko ang kamay niya at nakakapagtaka dahil ang lamig nito
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako ng makahulugan "Oo naman. Bat mo ba ko tinatanong niyan?"
"Anlamig kasi ng kamay mo. Gusto mo bang pumunta ng infirmary?"
"I feel fine, Gwyn. Thank you for being concerned" nakangiting sabi niya. Tumango na lamang ako at pinagpatuloy ang pag akyat namin
Nang makapasok kami ay nagulat kaming dalawa nang sumigaw si Summer at itinuro si Naomi
"S-Siya...! S-Siya ang pumatay kay Nicole...!"
---
𝙽𝙰𝙾𝙼𝙸
"Ano? Bakit ko naman gagawin yon?" nagtataka kong tanong. What the hell?
"Bago mamatay si Nicole, hindi ba't nagpunta ka sa library? Antagal mong andudoon! Malamang binaba mo siya sa first floor at pinatay!"
"Kung umalis man ako sa library, edi sana nakita niyo na yon! Katapat kang natin ang library, what the hell?!"
Why is she suspecting that it was me?! Nagpunta ako sa library for research purposes at ako pa talaga ang sinisisi niya?!
"Summer, sure ka ba na nakita mo si Naomi na pinatay si Nicole?" Evan calmly asked. Tumango si Summer noon "Oo, nakita ko siyang pinatay si Nicole"
Tinignan ako ni Summer as I stared back at her. Hindi ako papatalo noh. I am beong accused after all
"Kakabili ko lang ng pagkain sa canteen tapos magccr sana ako at nakita ko si Naomi na pumasok sa Math Lab. Syempre nacurious ako kasi wala naman tayong Math at nakita ko kung papano pinatulog ni Naomi si Nicole as she tied the rope on her neck!"
"That is a false accusation! How can I do that when our height is almost the same at mahihirapan akong buhatin siya kung ako man ang gumawa noon?!" singhal ko
"Calm down-" I cut Gwyneth off "Calm down?! There's a murderer on the loose and ako pa talaga ang sisisihin niyo?!"
"Enough" pagtigil ni Ada sa amin. Tsk, about time. Kung kailan ginisa ako dito ngayon lang niya ipatitigil to
"We don't have much evidence kung si Naomi nga ang pumatay kay Nicole. For now, let's all settle down" dagdag nito kaya naman nagsiupo na ang lahat
Lumabas muna ko upang magpalamig at dumiretso sa library. Wala na akong pakialam kung anong susunod na subject. Gusto ko muna magpalamig
"About time, Gaia"
Napalingon ako sa nagsalita. I sighed at nilock ang pinto. Nakalunch break pala ang librarian kaya naman pala madali niyang naaccess ang library
"What the hell are you doing here?" tanong ko
"Just checking up on my precious victims" Nakangiting sabi ni Alexandrite. I glanced at her. Ano bang ginagawa niya dito?
"Wala naman akong sinabi na pumatay ka ng taga-Dalton hindi ba?" seryosong tanong ni Alexandrite sa akin. I gulped "It was to help Artemis"
"Tsk" simpleng ani nito at lumapit sa akin, holding my chin "Fix yourself, Naomi, you're a mess for fuck's sake" sambit nito
"Choose to side on. Sa akin o sa mga mangmang ng section na yon" dagdag ni Alexandrite
Hindi ko alam kung saan ako kakampi. Demonyo siya at hindi ko alam kung mapoprotektahan ko pa sila sa ganitong paraan
Marami na kong napatay and my sins are unforgivable. Hindi ko na alam kung anong gagawin
"I'll protect you until the end but choose wisely, Naomi. I'm not your friend nor enemy" ani nito at umalis
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS CASE OF ROOM 302
Mystery / ThrillerSino sino ba sa mga taong sumasailalim ng kwartong ito ang tunay na salarin? Isa ka ba sa mga mangmang o isa ka sa mga nakakaalam ng tunay na sikreto ng klase ng Room 302?