Chapter 1

7.9K 110 12
                                    

A/N: At ito naman ang pagkakabusyhan ko. Ito po ang ating mga main casts.

Kathryn Bernardo as Hanna Serum

Daniel Padilla as Caleb Rivera

Nadine Lustre as Spencer Serum

****

Hanna's POV

"Hanna! HANNA BUKSAN MO TONG PINTO MO GUMISING KA NA, MALE LATE TAYO OH," narinig ko ang boses ni Ate sa pinto.

Napagulo ako ng buhok, at sinubukang magsalita kahit antok na antok pa ko, "Oo! Saglit lang!" makapal pa ang boses ko dahil sa antok.

"Dalian mo dyan at nakahain na ang breakfast! Susumbong kita kela Mommy pag magbabagal bagal ka pa dyan," aniya. "Mauna ka naring maligo!"

"Mauna ka na tutal ikaw naman ang mabagal kumilos dyan!" sigaw ko pabalik at tinakpan ng unan ang tenga ko.

Umagang-umaga, at kumukulo na agad ang dugo ko. mabilis talagang uminit ang ulo ko, lalo na pag umagang umaga, sinisigawan ako.

Bumangon naman agad ako at tinali ang makapal kong buhok. Nagmumog at naghilamos, bago bumaba para kumain.

"Goodmorning!" malambing na salubong sa akin ni mama pagkakita nya sa akin. Niyakap pa nya ko ng mahigpit.

Napangiwa na lang ako at kunwari ay interesado ako.

"Umupo ka na at kakain narin tayo," aniya pagkabitwa nya.

Umupo na ko sa usual seat ko. Nandoon narin si Ate Spence, with her usual intimidating face. Hindi pa sya naliligo pero ayos na ayos ang buhok nya. Amoy na amoy ko ang pabango nya hanggang sa puwesto ko at tinaasan nya ko ng kilay ng makita nya kong nakatingin sa kanya.

"Bakit?" tanong nya at ngumiti. "Hanna, ayusin mo nga tali ng buhok mo."

"Okay lang yan," sagot ko at kumuha na ng pagkain.

Nagsimula na kaming kumain lahat, si daddy, si mommy, si Ate Spencer, at ako, si Hanna.

Mukhang magaganda ang umaga nila pero ako, gusto ko pang sumimangot at isipin kung ano ang naging panaginip ko at kung bakit alas nuebe palang ng umaga ay ginising na ako.

"Kumain ka nga ng kumain," sabi sa akin ULET ni Ate Spence.

Tinaas ko yung paa ko, "Nangangawit." Explain ko na lang.

"Hanna, samahan mo ate mo ha," sabi naman ni daddy.

Tumango na lamang ako, "Ako ng bahala."

***

Hinatid kami ni daddy sa mall na pagkikitaan ni Ate Spence at nung manliligaw nya.

"Ano ngang pangalan ulet nung manliligaw mo?"

"Victor." sagot ni Ate spence habang inaayos nya ang dress nya.

Napatingin naman ako sa reflection ko sa isang boutique doon, pants, tshirt, converse. Di naman ako ang may date ngayon.

"Ano ba yang ka date mo? Mukhang galing pang 80's dahil sa pangalan," asar ko.

"Kabatch ko sya, excuse me," aniya. Tinignan nya ang phone nya ng mag ring ito. "Nandito na daw sya sa mall. Kitain na lang daw natin sya sa Starbucks."

""Okay," sagot ko na lang.

Naglakad kami papuntang Starbucks at habang papunta kami doon ay tinanong ko sya, "May balak ka bang sagutin sya?"

Maid of Honor (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon