Chapter 4

2.3K 68 13
                                    

Chapter 4

Kahit nakakairita sya, kahit napakaangas nya, kahit papaano ay baka sya rin ang maging dahilan -or sabihin na nating gateway para matuloy ang lovestory namin ni Toby.

"Pumayag ka?" -Aria.

"Oo,"

"Edi okay na sayo na manligaw si Caleb sa ate mo?" -Ezra

"Hinde,"

"Eh bakit ka pumayag?" -Lucas

"Para kay Toby,"

"Kahit naman tulungan ka ni Caleb kung sino man yan, feeling mo papatulan ka ni Toby mo?" Tanong ni Aria na may halong pang aasar na halos ibato ko na sa kanya ung notebook ko.

"Grabe ang hard mo. Kaya nga ako tutulungan ni Caleb eh," sagot ko naman.

"Dapat Kuya Caleb tawag mo kasi, di rin magtatagal at magiging sila na ng ate mo," Tawa ni Lucas.

"Hinding hindi mangyayare yun,"

"Bakit naman?"

"Dahil sabi ko," ngisi ko.

"Bakit? Naka base ba yung desisyon ng ate mo sa gusto mo?" tanong ni Ezra.

"Ewan ko rin. Pero kahit naman tulungan ko si Caleb, ay hindi parin sya sasagutin ni Ate Spence. Lahat naman ng manliligaw nya pinaasa nya eh."

"Baka hindi si Kuya Caleb," sabi ni lucas. "Kasi consistent."

"Ewan ko. Mukha kasi syang...ewan, basta alam ko, hindi magse settle ang ate ko sa 'okay' lang. Gusto niya yung pinaka sagad, mataas standards nya sa lalake kaya feelin ko wala din patutunguhan yang dalawang yan,"

"Baka bitter ka lang," tanong ni Ezra.

"At bakit ako magiging bitter? Wala akong panahon maging bitter dahil naaamoy ko na ang malapit na lovestory namin ni Toby," ngiti ko.

"Asa pa Hanna," asar ni Lucas.

____

Spencer's POV

Umaga palang ay maganda na ang gising ko. Dahil hindi ako nakalimutang batiin ni Caleb sa umaga, at pagdating ko sa school, he was already waiting for me outside our classroom, with a rose.

"Goodmorning," bati ko.

"Mas maganda ka pa sa umaga," he said. "Para sayo," and he gave me the rose.

I recieved it with a smile. Ngumiti rin sya sa akin and since maaga pa kami ay sinamahan nya ako mag locker para kunin yung mga books ko for the subjects.

Sa lahat ng naging manliligaw ko, he's the most persistent. Pagkatapos ng dinner noon kung kelan binara ni Hanna si Caleb ng tanong, and actually asked him something ridiculous, I never thought na mangyayare pa toh. I thought he's like my past suitors na pagkatapos harapin ang little sister ko, hindi na bumalik kinabukasan.

Hindi ko naman sila masisisi kasi...my little sister is truly a devil. Pagdating lang naman sa pang i-interrogate nila. Pero dahil rin sa little sister ko, kahit gaano ka bad yung ginagawa nya sa mga suitors ko, nakakatulong din yun para makita kung sino talaga seryoso sa panliligaw sa akin. At first, akala mo talagang seryoso sila. Pero pag kaharap na nila ang kapatid ko, ang bilis nilang tumiklop. Wala sa kanila ang nakatagal sa kapatid ko.

Not until Caleb came into my life. Akala mo maangas sa unang tingin, but he's really gentle. Kilala sya sa school dahil sa looks nya at dahil sa mga trip nya, tulad ng pagva vandalize sa likuran ng school and the likes, pero he's trying to change. For me.

Maid of Honor (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon