Chapter 11

2K 76 10
                                    

Chapter 11

Spencer's POV

Pagkatapos naming kumain, I excitedly went to my room and called Caleb. I'm so happy na isasama namin sya. He will be my first suitor na dadalhin ko sa mga family dinner namin.

'May balak ka bang sagutin sya?' voice of Hanna popped inside my head.

I was disturbed from thinking when Caleb answered my call on the third ring, "Caleb! Its me Spencer!"

"Uy....spencer," sagot nya.

"How was your day?" Ngiti ko. If only he can see my smile, abot hanggang tenga na toh sa sobrang saya.

"Ayos lang...ata."

"I heard you helped Hanna with her memoriam."

"Sinabi ni Hanna?"

"Oo. Does it mean na....talagang nagkakasundo na kayong dalawa?"

"Ata." he simply answered.

"That's a good news! But I have another good news for you," napaupo ako sa kama dahil hindi na ako makapaghintay sabihin sa kanya.

"Ano?"

"Mayroon kaming family dinner sa saturday. Uuwi kasi ang Lola ko from canada. Then I thought that maybe you can come."

Medyo matagal pa bago sya nakasagot sa kabilang linya.

"Caleb?"

"Ha? Family dinner? Okay lang ba sa parents mo?"

"Yes! Pumayag na sila."

"Eh...kay Hanna?"

"Pumayag narin sya," Kahit na nung una kinokontra pa nya. Hindi ko na sinabi kasi baka hindi pa pumunta si Caleb.

"Ahh," he answered and i heard him yawned. "Sige, pwede ako sa sabado."

And I giggled in excitement. Napatili talaga ako. "I'm sorry, I'm just so excited."

"Ako rin," but I can't hear any excitement in his voice.

"Okay ka lang ba?"

"Uhm Spencer? Pwede bukas na lang? Pagod na pagod na kasi ako kasi nga tinulungan ko si Hanna kanina diba?"

"Hmm...okay. Have a goodnight." ngiti ko naman.

"Bye, Spencer," aniya at sya na ang nag end ng call.

Medyo malungkot ako dahil mahigsi lang ang paguusap namin. Pero naiintindihan ko naman sya kasi parang pagod na pagod na talaga sya. Kahit si Hanna rin kanina ay parang pagod narin. Marami ata silang ginawa sa memoriam. I can't blame them naman.

Kahit mabilis lang ang paguusap namin, I still can't hide the excitement that I'm feeling. Alam kong medyo choosy pagdating sa lalake si Lola Heinz but she can't be choosy with Caleb.

***

Hanna's POV

Dumaan ang mga araw at sabado na. May something sa sabado na mas gustong gusto ko na nakahiga sa kama buong araw. Lalo pa ngayon na may family dinner kami mamaya. Mas gusto kong humilata na lang buong araw kaysa sa pumunta sa dinner na yan.

Nang mga tanghali, sinundo nila mommy and daddy si Lola Heinz sa airport tas didirecho sila sa hacienda para makapagpahinga si Lola.

Hindi na ako sumama kasi busy ako sa pagpapapak ng nutella, habang nakaupo sa kama, tapos nakabukas pa yung aircon at nakabalot sa akin ang makapal na conforter habang may chichurya naman sa tabi ko. This is life.

Maid of Honor (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon