Hanna's POV
Sumabay ako sa dalawang iyon para umuwi. Wala lang. Tinamad lang akong magcommute papauwi dahil amsyado na kong maraming ginawa sa araw na ito. Sobrang pagod na ko tas ang sakit pa ng mga mata ko. Sila na lang yung best option ko, kahit sobrang nananakit lalo yung mata ko sa mga nakikita ko.
Nauuna silang maglakad sa akin tas magkaholding hands sila. Walking with pasway sway pa. Taray naman.
Di naman ako nagseeselos or what. Ayos lang sa akin, lalo na ngayon na nananahimik na yung puso ko ulit.
Yung crush ko kay Caleb? Baka phase lang yun. Tutal nagiging close kami diba. It doesnt mean naman na gusto ko na siya agad nun. Pero bakit kailangan kong magexplain sa inyo aber?
"Hey Han!" tawag sa akin ni Ate Spencer. "Mag milk tea tayo, you want?"
"Libre mo ba?" sagot ko.
"Sagot ko na," sagot ni Caleb.
Napangiti naman ako agad at saka biglang napabilis ang lakad ko.
"yun naman pala eh. Sana sinabi mo agad, tara na!" masaya kong sagot at nilagpasan sila at inunahan ng maglakad.
"Since when did you like milktea?" narinig kong tanong s akin ni Ate Spencer.
"Simula nung sinabi ni Caleb na libre niya," ngiti ko at tumingin ako kay Caleb. Napangiti rin naman siya sa akin.
Malapit lang naman sa school yung milktea shop. Pagkapasok namin, nakita namin na may mga nakatambay pang mga ibang estudyante doon kahit ibang taga school. Nag-initiate si Ate Spencer na siya na ang pumunta sa cashier at bilhin yung mga choice naming milktea. Wala naman talaga akong alam masyado sa mga milktea, pero mukhang masarap naman kasi libre eh.
Nakatayo lang kami ni Caleb doon pero naglakad lakad na ko para humanap ng table para sa aming tatlo.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at kasabay ng pagpasok ng mga tao ay sumalubong ang halakhak ng mga kalalakihan. Halakhak na sobrang pamilyar.
Pagkaupo ko, nakita ko agad ang grupo nila Rob.
Napasimangot ako. Andito na naman tong mga toh?
"Hey Caleb!" bati ni Rob at napalingon sa kanila si Caleb. Ngumiti naman si ugok.
"Uy," sabi niya lang.
"Didn't know you were into milkteas ha?" pangaasar niya kay Caleb. Inakbayan pa niya ito at pareho silang tumatawa.
Halatang magkababata sila. Halos magkamukha na sila eh.
"Di pare, sinamahan ko lang girlfriend ko," sagot naman niya.
"Oh! Aba perfect timing ha! balak din naming tumambay dito saglit eh. Atleast makikilala na namin girlfriend mo diba, let's seat altogether," yaya ni Rob.
"Sige lang. Bumibili pa si Spence pero yung kapatid niya nakaupo na doon," tinuro naman ako ni Caleb.
BINABASA MO ANG
Maid of Honor (KathNiel)
ChickLitHawak-hawak nya ang kamay ng mapapangasawa nya at ang singsing. Ngunit malayo ang isip nya at sa akin nakatingin.