Hanna's POV
Kinagabihan, sobrang pagod ako na nakahiga sa kwarto ko. Nakakalat lahat ng libro, mga libro na hindi ko pa namn nababasa. Mga libro na once ko lang gagamitin tapos itatambak na lang. Kelan ba matatapos tong mga pasakit na toh?
Napabuntong hininga ako ng malalim. Sa mga ganitong pagkakataon na pakiramdam ko ay sobrang pagod ako, lumalabas yung pagkaemotera ko. Ang daming dumadaan sa isip ko.
Ano kaya mangyayare pag lumipat na kami sa Canada? Ano kaya magiging buhay ko dun? May magiging mga kaibigan ba ko? Sa katarayan kong toh, baka wala na ko maging kaibigan dun. Lalo pa't di kasama si Ate Spencer.
"Hay," muli kong sumbat.
Binuksan ko yung laptop ko tas nagtype ako sa Search Bar ng "Canadian Life", tas nakita ko ang mga pictures ng mga lugar sa canada. Nagsscroll lang ako habang nakanguso at nakayakap sa mga binti ko.
"Ito ba ang nakatadhana para sa akin? Ang pumunta ng Canada at mamuhay na habangbuhay na magisa?" sabi ko sa sarili ko. "Tama nga sila... tama nga si Caleb. Itong ugali kong toh yung ikaka-single ko talaga. Nako Hanna!"
Napasimangot ako lalo.
Pero biglang nagvibrate ung phone ko sa tabi ko at nakita ang isang text mula sa isang lalake.
From: Rob
Still awake? :)
Speaking of single.
Itong lalakeng toh. Di ko alam ang gusto. Di ko alam kung bakit text parin siya ng text ni di ko na nga nirereplyan.
Di ko rin gusto yung smiley face na kasama sa text niya. Nakakapagbigay ng malisya eh.
Di ko pa nabababa yung phone ko ng biglang makareceive na naman ako ng isa pang text mula sa kanya.
From: Rob
Pcencya na kung nakakaistorbo ako. Have a goodnight. Hoping to c u again nxt time :)
Di ko talaga maintindihan. Sinabi ni Caleb na di naman ako trip neto at si Ate Spencer ang trip neto. Pero bakit txt parin ng txt tong ugok na toh kung hindi?
Itong si Caleb, pakiramdam ko may walang sinasabi sa akin eh. Hmm.
___________
Tuloy parin ang mga araw. Pero yung mga sumunod na araw, mas naging hassle para sa akin. Pigang piga na yung utak ko sa mga classes and projects ko na kailangan maipasa agad.
Kulang na lang swelduhan ako netong mga teacher ko dahil buong linggo na ata akong nasa class nila at 24/7 na nagaaral 7 times a week. Tutal more than a month na lang yung mga natitirang araw namin dito sa pinas at lalayas na kami. Parang ang bilis lang. Parang ayoko pa. Wait, pwedeng huminga?
BINABASA MO ANG
Maid of Honor (KathNiel)
ChickLitHawak-hawak nya ang kamay ng mapapangasawa nya at ang singsing. Ngunit malayo ang isip nya at sa akin nakatingin.