Simula

338 62 7
                                    


Beaumont

"You've been carrying this inside you all along... be free, be happy..."

I woke up groggily and feeling empty as the sunlight from tne uncurtained windown touched my face. Ilang minuto muna akong tumitig sa kisame bago nagpasyang umupo sa kama. This is just another usual day where I have to get up early and study.

Study...

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung para saan pa. I mean, I feel like my family was just wasting a huge sum of money. Hindi ko nga alam kung may maganda ba akong future o kung may mapapatunayan ako sa buhay ko.

But I couldn't care less. I felt like I destroyed something beautiful and the feeling was a lot worse than people could ever imagine. The heaven should hate me. I don't deserve to have a good life in the future.

Hindi naman ako bobo. Ayaw ko lang talagang seryosohin ang pag-aaral ko. I'm afraid that if I did, then I might end up losing something beautiful again. Hindi ko na gustong mangyari iyon. Sa tingin ko ay hindi ko na kakayanin.

I did my usual morning routine. Nang matapos ay nagpasya na akong lumabas. Sobrang hassle kasi nasa 8th floor pa ang kuwarto ko sa dorm ng university.

Well, it's pretty obvious that the students here were divided base on how rich their families are. Si dad ang nagpasya na dalhin ako sa hanay na Gold Tier kung tawagin. He wants to show off, and that's for certain.

Gusto niya na makipagkaibigan ako sa mga estudyante na galing din sa mayayamang pamilya. Hindi ko naman gagawin iyon. Okay na ako na magkaroon ng iilang kaibigan. Okay na rin ako kina Ariston at Eli, silang dalawa ang pinakamalapit sa akin.

I'm a third-year college student of Montecillo University taking up BS Aerospace Engineering, I didn't even like my course. But I have to take it because that's what my dad wanted. It's not like I have a choice.

Naiintindihan ko naman kung bakit. My Dad owns Anderson Empire, it is one of the largest group of companies here in the Philippines. Sa ilalim ng Anderson Empire ay ang Anderson International Airport at PhilChopper, the latter is a company that sells planes and choppers here and abroad.

He even said that once I graduated, I can either pursue being a pilot or help him and kuya manage our company. Hindi na ako nagreklamo, kasi kagaya nang sinabi ko ay wala naman akong pakialam sa future ko.

Truth be told, if I were the one to choose, I'd rather take a course that has something to do with music. Siya lang ang nagsabi na sundin ko kung ano ang gusto ko, pero wala na siya...

Nang makababa na ako ay pilit akong ngumiti. I've been playing a happy façade in front of everybody. I mean, what's the sense of telling them how I truly feel, anyways? Wala rin naman silang ambag sa buhay ko. It's either they'll ignore me, or they will judge me.

Napangisi ako nang makita sina Ariston at Eli na parehong nakaupo sa isang outdoor bench sa ilalim ng puno ng acacia sa may garden. Sa harap mismo iyon ng library habang pareho ring nakayuko sa mesa at halatang natutulog. Magkakaibigan na kami nina Ariston Sebastian Celerio at Markus Eliazar Alejo simula noong high school. Sa pagkakatanda ko ay pare-pareho kaming tulog noong mga panahong iyon at naingayan sa lakas ng boses ng mga bullies na pinagti-trip-an ang isang babae.

We saved the kid and that got us in trouble, but we all ended up laughing anyways. Simula noon ay nagtatanguan na kami kahit saan kami magkita-kita, hanggang sa naging magkakaibigan na kami. Naging kaibigan din namin iyong babae na niligtas namin, si Beatrice.

MU Series: The Naughty Jock (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon