Chapter 13

64 53 3
                                    

Amira

University Meet came, and we're all busy. Gano'n pa man ay nakahanap pa rin naman kami ng oras para sa mga sarili namin, at para na rin masuportahan ang mga kaibigan naming na sumali sa mga sports. Gaya ni Deyanne na part ng Montecillo Queens Women's Volleyball Team.

Masaya akong naglalakad-lakad sa university habang kasama ang kaibigan kong si Cory nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko mula sa shoulder bag na dala ko. I took my phone out of it, thinking that it's a message from my parents. Pero bahagya akong natigilan sa paglalakad nang makita na galing kay Beau ang mensahe.

Beamont:

Manuod ka ng game namin, please. I want to see you there cheering for me, gaya ng kung paano ka mag-cheer para kay Deyanne. Gagalingan namin, promise.

Bahagya akong napanguso sa nabasang mensahe dahil may kiss emoji pa iyon sa dulo na halatang nanghaharot na naman siya. At hindi ko maintindihan kung bakit parang baliw na naman akong napapangiti dahil doon.

"Naks naman, nanghihingi ng support ang boyfriend. At may kiss emoji pa nga po sa dulo," bahagya akong napalingon kay Cory nang sabihin niya iyon, saka ko napansin na nakadungaw rin pala siya sa phone ko at nabasa ang mensahe ni Beau sa akin.

"He's not my boyfriend, Cory," wika ko naman.

"Hindi pa sa ngayon. Sure naman akong doon din ang punta niyo. I mean, hello, girl! Sino bang makakahindi kay Fafa Beau? Tanggap ko nang sa 'yo na siya, basta sa akin sina Fafa Ariston at Fafa Eli," may halong pagbibiro na sagot naman niya.

"Puro ka talaga kalokohan, tara na nga!" saad ko na lang.

"Saan tayo pupunta? Sa boyfriend mo?" may halong pang-aasar na sagot ulit niya kaya napangiwi na lang ako. "Joke lang! Tara na nga!" natatawang dagdag pa niya bago ako hinila.

Hinayaan ko na lang siya sa kung saan niya ako dadalhin. Ilang saglit pa ay sumakay na kami ng bus service, tapos ay nagpababa malapit sa may soccer field. Hindi pa nga kami nakakalapit talaga ay pansin na naming crowded na ang lugar.

Hindi ako sanay na manatili ng matagal sa ganito karaming tao. I'm not sure why, but I feel awkward. Kahit pa alam kong wala naman akong dapat na ikahiya ay medyo nahihiya pa rin talaga ako. Gano'n pa man ay nakakatuwang makita na sobrang hype ng crowd. Sobrang ingay ng hiyawan ng mga tao na naghihintay magsimula ang game.

"Hi, Amira!" nakangiting bati sa akin ng isang estudiyante na hindi ko naman kilala, tipid na lang akong ngumiti bago marahang tumango.

"Hi!" sagot ko rin.

Sa totoo lang noong una ay hindi ako sanay sa mga estudiyanteng bumabati sa akin, lalo na kapag hindi ko kilala. Pero habang tumatagal ay parang nakakasanayan ko na rin naman na. Alam ko naman na nakilala ako ng ilan dahil nga parte ako ng SSG, at isa rin ako sa mga dorm leaders.

Mabuti na nga lang at kinausap talaga ako ni Prez Xian noon. I mean, aminado ako na sobrang daming ginagawa madalas. Pero sobrang saya rin naman lalo pa't ang dami ko ngang naging bagong kaibigan dahil dito. Nang makahanap na kami ni Cory ng puwesto ay umupo na kami agad at naghintay na lang doon.

"Hey!" bahagya akong natigilan at nagulat nang marinig ang isang pamilyar na boses, halatang kinilig naman si Cory na mahina pa akong siniko nang makita si Beau na ngayon ay nakangiti sa akin.

"H-Hi!" nahihiyang bati ko naman tapos ay pilit pang ngumiti.

"Wala bang good luck kiss?" nakangisi at may halong pang-aasar na tanong niya. Napahagikgik si Cory dahil sa narinig, may ilan namang mga babae na katabi namin ang halatang kinilig din dahil sa sinabi ni Beau. "I'm just kidding, love! Date tayo kapag nanalo kami, ha?" nakangiting dagdag pa niya.

MU Series: The Naughty Jock (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon