Amira
Dapat ay masaya ang araw ng pasko. But the last Christmas was the saddest Christmas season that I have ever experienced. Looking back, kahit na may sakit ako ay masaya pa rin ako sa tuwing pasko at bagong taon dahil sa dami ng mga regalong natatanggap ko.
It's not that I haven't received gifts this time, in fact, wala pa ring nagbago. But for some reasons, I feel empty. At alam ko na dahil iyon sa huling pag-uusap namin ni Beau. Nakita ko kung gaano siya nasaktan at naapektuhan sa nalaman niya, at may parte sa akin na sinisisi ang sarili ko dahil doon.
Noong araw na iyon ay sinundo ako ni dad, at habang nasa sasakyan ay hindi na ako matigil sa kaiiyak. Mom and dad both knew what happened. At wala silang ibang ginawa kung hindi ang subukang pasayahin ako.
Gano'n pa rin nang magsimula na ulit ang pasukan. I haven't heard anything from Beau. Ilang chats at messages na ang pinadala ko sa kanya. Ilang beses ko na rin siyang sinubukang tawagan pero hindi siya sumasagot. I feel like he hates me know, and that thought is hurting me. Pero gano'n pa man ay sobra pa rin akong nag-aalala sa kanya.
Knowing how uptight he is, I know for a fact that he won't say anything to his friends. Mas gugustuhin niya na sarilinin ang problema at umakto na masaya sa harap ng mga ito. Kasi ay hindi niya gusto na makadagdag sa bigat na pinapasan ng iba. Lalo na't sumabay pa ang problema nila ng mga kaibigan niya sa sitwasyon nang ipatawag sila sa DO.
Sa mga sumunod pang araw at linggo ay may mga pagkakataon na nakikita ko siya sa university. Pero hindi ko na magawang lumapit pa sa kanya dahil halatang umiiwas siya sa akin. He couldn't even look at me. Kapag aksidente kaming magkakasalubong ay agad siyang mag-iiwas ng tingin at magmamadaling aalis.
That has been our cycle for months. Kung ako ang tatanungin ay gustong-gusto ko siyang makausap. But at the same time, I also want to give him enough time and the space, I know that, that's what he needs right now. Kung kailan darating ang araw na muli niya akong haharapin at kakausapin ay hindi ko alam, pero kahit na papaano ay umaasa ako na magagawa ulit niya akong tignan na parang isang kaibigan.
That's all I'm asking. I just want us to be friends again...
Isang araw habang naglalakad ako papunta sa SSG Office ay nakita ko si Ariston. Napangangiti ako kasi ay mukhang sinadya niya na dumaan dito para makita si Deyanne. Bigla kong naalala ang paghingi niya ng tulong sa akin na maglagay ng gifts sa table ni Deyanne. At kung ano man ang meron sa kanila ngayon ay hindi ko alam. Masiyahin si Deyanne, kaya hirap akong i-figure out kung ano na ang score sa kanila ni Ariston dahil wala namang nagbago sa ugali niya.
"Hey!" nakangiting bati niya sa akin nang magkasalubong kami kaya tipid na lang akong ngumiti bago marahang tumango.
"Hello!" ang tipid na bati ko na lang, at magpapatuloy na sana sa paglalakad nang tawagin niya ako.
"Uhm, Amira?" Agad naman akong napalingon sa kanya. "Can we talk for a second?" tanong niya, muli akong ngumiti bago tumango.
"Sure, what is it?"
"Uhm, kailan mo huling nakausap si Beau?" tanong niya kaya bahagya akong natigilan. Malungkot akong napangiti nang maalala na nung disyembre pa ang huling pag-uusap namin. "Pasensiya na. Nagtataka lang ako kasi nakakasama namin siya ni Eli minsan, but for some odd reasons, parang hindi na siya gaya ng dati. You know what I mean?" Napalunok naman ako ng laway dahil sa narinig.
"Actually, something happened..." may halong pag-aalangan na saad ko, hindi ko kasi alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang nangyari. Pero kaibigan niya sa Beau, at alam ko na nag-aalala siya sa tao.
"I know that something happened. I mean, hindi namin alam kung ano ang nangyari, pero alam naming na may mabigat siyang pinagdadaanan. You see, we've been friends since time immemorial. Pero hindi siya kailanman nagsasabi ng problema sa amin. Siya iyong tipo ng tao na idadaan lang sa tawa, biro, at pagkain ang lahat. But this time... it's different..." paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Naughty Jock (To Be Published)
Teen FictionPlayful Beau threw a paper-plane of love letter for the innocent-looking campus chick that he wants to hit on. Pinlano niya na gawin iyon dahil agad na nakuha ng magandang dalaga ang atensiyon niya. Halos sumakit naman ang tiyan ni Beau sa katatawa...