Chapter 19

69 52 3
                                    

Amira

"Good morning po!" nakangiti at magalang na bati ko sa mga magulang ni Beau na nakipagkita sa akin sa isang coffee shop.

Gaya nang sinabi nila nang nakaraang araw, nang tinawagan nila ako ulit ay nag-set kami ng date para mapagkita. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung bakit, pero wala namang masama kung makikipagkita ako sa kanila. Magkaibigan na kami ni Beau, at nagtiwala siya sa akin na sabihin ang malungkot na kuwento niya. At medyo nakakakunsensiya na hindi niya alam ang pakikipagkita ko sa mga magulang niya ngayon sa totoo lang.

Today is Saturday, at wala akong pasok. Sa katunayan ay nag-offer si Beau na lumabas daw kami, tapos ay ihahatid na niya ako sa bahay. Gaya nang nakaugalian na niyang gawin sa tuwing umuuwi ako, pero sinabi ko na may kailangan pa akong puntahan.

"Pasensiya na ulit kung naabala ka pa namin, hija," malumanay na wika naman ng mama ni Beau na si tita Maya.

"It's really okay po. Wala naman po akong pasok ngayon. Baka nga po ako ang nakaka-abala sa inyo lalo na alam ko pong busy kayo, tapos bumiyahe pa po kayo papunta rito," magalang at medyo nahihiyang sagot ko naman.

"Kami naman ang may gusto na makipagkita sa 'yo, so..." nakangiting saad ni tito Adan. "How are you, hija?" tanong pa niya kaya ngumiti rin ako at marahang tumango.

"Okay lang po!"

"Siguro ay nagtataka ka kung bakit gusto ka naming makausap," paninimula naman ni tita Maya. Hindi na ako sumagot, nanatili na lang akong tahimik at hinintay ang sunod niyang sasabihin. "Hindi kasi maganda ang unang paghaharap natin dahil sa nangyari. You see, mula nang bata pa si Beau, ramdam namin na malayo na ang loob niya sa amin. Alam namin ng tito mo na may kasalanan kami. Maybe, we unintentionally made him feel unwanted..." dagdag pa niya kaya marahan na lang akong tumango.

Gusto kong sabihin na tama sila, pero hindi ko alam kung nasa lugar ba ako para sabihin iyon.

"Mas lumayo pa ang loob niya sa amin magmula nang mawala ang kapatid niyang si Bethany..." wika ulit ni tita Maya. "Noong buhay pa si Beth, kahit na malayo ang loob sa amin ni Beau ay umuuwi pa rin naman siya sa bahay para sa kapatid niya. But when she passed away, mukhang nawalan na rin siya ng rason para... umuwi..." may halong lungkot na saad pa niya. "And then we realized how we failed him as his parents. Ang tito Adan mo, laging na kay Axel ang atensiyon. And that is because at an early age, he's already training him how to handle our businesses. Ako naman ay laging na kay Beth ang atensiyon, dahil sa kanilang tatlo, ang bunso namin ang laging nagkakasakit..."

"Sa kanilang tatlo, siya iyong simula pagkabata ay masasabi mong... malakas na. He can do the things that he wanted, without asking for our permission. He's not afraid to fail, because it's easy for him to bounce back and redeem himself. Consistent honor student, and all. Kaya ang akala namin ay kaya na niya. He might have felt that we're unfair, but we didn't mean it. Pero aminado kami na mali pa rin kami. We should've given him enough love and attention as well. We tried our best to build a connection with him, pero mukhang wala siyang balak na bigyan kami ng pagkakataon na makabawi sa kanya..." mahabang dagdag pa niya.

"I'm... sorry, but why are you telling me this po?" magalang at nalilitong tanong ko naman. Tipid na ngumiti sa akin si tita Maya bago niya marahang hinawakan ang kanang kamay ko na bahagya ko namang kinagulat.

"He likes you, hija. Ni minsan ay wala pa siyang dinalang kaibigan sa bahay. Ikaw ang una. And we felt like, somehow, you already built a connection with him..." sagot naman niya sa akin. "Ramdam namin na malaki ang tiwala niya sa 'yo..." dagdag pa niya.

"Hija, if I may ask, wala bang ibang nababanggit sa 'yo ang mga magulang mo tungkol sa amin?" mahinahong tanong naman ni tito Adan, bahagyang kumunot ang noo ko nang makitang nagkatinginan sila ni tita Maya.

MU Series: The Naughty Jock (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon