Amira
Weeks passed, hindi naman na namin napag-usapan ni Beau ang nangyari nang magpunta kami sa bahay nila sa Batangas. Part of me was kind of sad, knowing that he's trying his best to avoid the topic. Gusto ko siyang tulungan, pero hindi ko talaga alam kung papaano.
"Hindi ka pa aalis?" bahagya akong napalingon kay Prez Xian nang marinig na itanong niya iyon. Kasalukuyan kasi akong nasa SSG Office dahil may meeting kami kanina. Nang matapos ay nanatili pa kami rito ng mga kapwa ko SSG Officers, hanggang sa isa-isa na nga rin silang nagsi-alisan.
"Ah, aalis na rin, prez," nakangiting sagot ko na lang.
"Alright! I have to go now, I'll just see you tomorrow," paalam niya sa akin, tapos ay ngumiti pa siya bago naglakad palabas ng office.
Bahagya akong napanguso kasi parang kailan lang ay crush na crush ko siya, tapos ay kilig na kilig ako kahit sa simpleng pangngiti lang niya. May mga pagkakataon pa nga na kung ano-anong mga bagay ang napapanaginipan ko tungkol sa aming dalawa. Pero ngayon ay hindi na ako nakakaramdam ng parehong kilig.
In fact, nitong mga nakaraang araw rin ay si Beau na lagi ang nasa panaginip ko. Hindi na si Prez Xian. I'm starting to think that I'm falling for him. Pero hindi ko alam kung paano iyon tatanggapin ng sistema ko. May pakiramdam kasi ako na mahirap magustuhan ang isang kagaya ni Beau na mukhang tinatakbuhan ang mga problema.
Kinagabihan ay nagpasya ako na gawin ang nightly dorm task ko as one of the dorm leaders. Kumakatok ako sa pinto ng mga dorms para i-check ang attendance nila, at para mag-random inspection na rin.
Pero sa totoo lang, mukhang mali na mag-random inspection na wala sa sarili. Kumakatok kasi ako sa pinto ng mga dorm rooms na lumilipad ang isip ko. Ilang linggo na rin mula nang mangyari ang lahat, pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-alala kay Beau. Although gaya nang sinabi ko ay may mga pagkakataon naman na pinupuntahan pa rin niya ako.
Palangiti pa rin siya at makulit, pero dahil nga sa nasaksihan kong nangyari nang dalhin niya ako sa kanila sa Batangas ay alam kong kahit pa nakangiti siya ay may mabigat siyang dinadala.
"Yes?" medyo bumalik ako sa reyalidad nang marinig na itanong iyon ng isang estudiyante. Saka ko napagtanto na nagbukas na pala ang pinto ng dorm room na kinatok ko.
"Ah, good evening! Random inspection lang," malumanay na sabi ko kaya nakangiting tumango ang babae.
"Sure! Come in! Sorry, nasanay ako na si Deyanne ang nagra-random inspection," aniya at mahina pang tumawa bago ako pinatuloy sa silid. "Ang ganda mo talaga, Amira," sabi niya habang nagi-inspect ako sa kuwarto kaya bahagya akong napalingon sa kanya. "I'm Gwen Sevillano, I voted for you!" nakangiting dagdag pa niya.
"Uy, thank you! And nice to meet you!" palakaibigang tugon ko naman.
Masaya talagang maging parte ng SSG at maging isang dorm leader. Ang dami kong nakikilala na mga palakaibigang mga tao. Naging mabilis lang naman ang pag-inspect ko sa kuwarto.
"Okay na, Gwen. Thank you ulit!" nakangiting wika ko.
"No problem! Thank you rin, and have a good night!" may halong lambing naman na sagot niya bago ako lumabas sa silid.
Nagpatuloy naman ako sa ginagawa kahit pa medyo naiinip na ako. Pagkakatok ko sa isa pang kuwarto ay agad na nagbukas ang pinto, lumabas doon ang isang babae na sobrang ganda. Actually, mukha siyang barbie doll.
"Hi! Good evening, random inspection lang!" nakangiting wika ko.
"Sure, come on in!" nakangiting sagot naman niya, napangiti ako kasi ay ang cute din ng boses niya. Bagay na bagay sa maganda niyang mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/321710162-288-k887741.jpg)
BINABASA MO ANG
MU Series: The Naughty Jock (To Be Published)
Teen FictionPlayful Beau threw a paper-plane of love letter for the innocent-looking campus chick that he wants to hit on. Pinlano niya na gawin iyon dahil agad na nakuha ng magandang dalaga ang atensiyon niya. Halos sumakit naman ang tiyan ni Beau sa katatawa...