Chapter 15

68 53 3
                                    

Amira

The next day, I woke up at around 6:00 M. Agad akong naghilamos tapos ay pinuntahan sa guest room si Beau, ang kaso ay wala na siya ro'n kaya naman nagpasya akong bumaba na. Medyo napangiwi ako nang makita siyang nakahiga sa sofa sa may sala, tapos ay mukhang nakatulog ulit doon. Agad din akong nakaramdam ng kaba nang marinig ang boses ng mga magulang ko na nag-uusap sa may hapag.

"You might want to explain why he's here, princess?" mahinahon pero may pagka-istrikto na tanong ni dad sa akin. Napangiwi naman ako dahil do'n.

"Good morning, dad! Good morning, mom!" may halong lambing na bati ko tapos ay humalik pa ako sa pisngi nilang pareho pagkalapit at mahigpit ko pa silang niyakap.

"Hindi mo ako madadaan sa pagpapa-sweet mo! Nag-uwi at nagpatulog ka ng lalaki rito?" hindi makapaniwalang tanong ni dad.

"Jaggy, you're making it sound like he slept with him! Huminahon ka nga!" sabi naman ni mom.

"A-Actually, mom, dad... may kasalanan po ako..." kinakabahan pa rin at may halong pag-aalangan na saad ko. "S-Sumama po kasi ako sa isang kaibigan sa bar kagabi. I... nearly got in trouble, and Beau helped me. Siya rin po ang naghatid sa akin dito. H-Hindi ko naman po gusto na bumiyahe pa siya kasi late na masyado kaya... dito ko na po siya pinatulog..." pagkukuwento ko.

Sa totoo lang ay wala akong balak na aminin sana sa kanila ang tungkol sa pagpunta ko sa bar. Pero kilala ko na kasi sila. Hindi naman nagtatagal ang galit at inis nila sa akin. At gusto ko lang na ibida sa kanila ang pagtatanggol sa akin ni Beau para hindi na sila magalit sa kanya.

"You did what?" hindi makapaniwalang tanong ni dad. "Amira, alam mo ba kung gaano kadelikado sa mga night bars? Paano kung may nangyaring hindi maganda sa 'yo, ha?" histerikal na tanong ni dad.

"I know, dad. And I'm really sorry. First and last na po iyon. I just really want to know what a night bar looks like... I just want to experience it..." paliwanag ko naman.

"It's okay, princess! Mabuti pa at gisingin mo na ang kaibigan mo, para makakain na tayo ng agahan," malumanay at nakangiting wika naman ni mom.

"No, it's not okay!" agad na wika naman ni dad. "At hayaan mong matulog ang pangit na iyan! Kahit na hindi na siya magising!" dagdag pa niya kaya napangiwi na naman ako.

"Montealegre!" may halong pagbabanta na saad naman ni mom kaya pekeng naubo si dad at umupo ng maayos.

"Montealegre ka rin," pabulong na sagot naman ni dad kaya muntik na akong natawa. Sobrang cute talaga nila.

Agad naman akong naglakad palapit kay Beau para gisingin sana ito, pagkalapit ko sa kanya, ay nakita ko na nakamulat na ang mga mata niya, pero nakatakip lang ang braso niya sa mukha niya para magmukha na tulog pa siya.

"Gising ka na?" tanong ko, napakagat naman siya sa ibabang labi niya bago marahang tumango.

"Kanina pa. But pretend that you're waking me up, please... this is embarrassing!" pabulong na saad niya kaya muntik na naman akong humagalpak sa pagtawa.

"Beau, wake up!" pag-arte ko naman, tapos ay inalog ko pa ang balikat niya. Pigil na pigil ang pagtawa ko nang umarte siya na nagising ko lang talaga. "Maghilamos ka na, kakain na tayo ng agahan," natatawang dagdag ko pa.

"Uhm, g-good morning po, tito and tita..." magalang na bati pa niya sa mga magulang ko.

"Good morning!" nakangiting bati naman ni mom pabalik, samantalang si dad ay parang bata na pina-ikot lang ang mga mata na halatang hindi pa rin natutuwa sa nangyayari.

Nagmamadali namang nagpunta sa common bathroom si Beau para maghilamos, pagkatapos ay pinuntahan niya kami agad sa hapag.

"Amira said that you helped her last night? Thank you, hijo. At pasensiya na kung naabala ka pa," mahinahon na wika ni mom nang magsimula na kaming kumain.

MU Series: The Naughty Jock (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon