00

21 4 11
                                    

"Anong oras daw ba ang opening? Napaka bigtime naman ni Louie. Nung nakaraan ay bakery tapos ngayon ay RestoBar naman" saad ni Isabel na kakagaling lang sa duty at dito sa boutique ko dumiretso.

"6 pa daw e, May lakad ka pa ba?" tanong ko habang nagre-retouch. Mamaya kasi kapag nagpunta kami sa RestoBar ay may mam-meet din akong ilang fashion designers na kakilala ni Louie. Ito ang advantage kapag may kaibigan kang Magnate. Parang easy advertisement na rin.

"Wala, sabay na ako sayo. Si Syesa daw kay Xzaey sasabay sabi kanina sa GC" saad nya at tumango ako. Iniligpit ko na rin ang iba ko pang mga gamit para hindi na mahirapan si Yesha dito mamaya.

Tinawagan ko na si Yesha at sinabing pumunta na sya dito. Mag 5:30 na rin kaya aalis na rin kami ni Isabel. Traffic pa naman sa Naic.

"Hi, Hello, Miss A!!" bati ni Yesha at lumapit sa amin. Nagpa pic pa nga sya kay Isabel dahil idol nya ata ito. Naalala ko iyong napag usapan namin noong na stranded kami sa elevator dati.

"Ganda po ng circle of friends nyo ano? May Magnatr, May Doctor, tapos kayo Miss A, Couturier" saad nya habang nakaupo sa kabilang gilid ng elevator.

Napangiti ako tumango.

"May Pulis pa tsaka Prosecutor" nakita kong nanlaki ang mata nya at lumapit nang kaunti sa akin. Buti na lang at kaming dalawa lang ang na stranded dito dahil nakaka suffocate kapag maraming tao.

"Talaga po? Public Defender po ba iyong kaibigan nyong Prosecutor?" sunod sunod nyang tanong.

"Wala pa sya sa Public Sector e, pero ang nabanggit sa amin ay baka daw next year" pagpapaliwanag ko at tumango naman sya.

"Ganoon po ba? Siguro mag iipon na lang po ako" saad nya at marahang natawa.

Yesha's really nice. We have the same degree. We have the same offerings from different countries and branch, but still. She chooses to work with me as an assistant. I know her life. Halos parehas nga kami na breadwinner. I know how hard she'd been through, but she always choose to smile and continue.

"Is it about your father?"

Malungkot syang napangiti bago tumango.

His dad was framed up for killing the late Senator Pacales. His dad is a farmer who lives in the province that's why hindi talaga nagtutugma ang mga pinagsasabi ng mga tao tungkol sa kaso. Ni hindi nga kilala ng tatay nya iyong senator. I offered her a help before but she declined it, masyado na raw akong maraming naitulong sa kanya.

"Okay, I'll tell Yerice. If hindi si Yerice, si Atty. Cedie na lang. Don't worry, ako na ang bahala sa gagastusin, okay? Marami na rin tayong pinagsamahan, Yesha"

Yumakap sya sa akin at umiyak. Tinapik ko naman ang likod nya.

"Pero idol ko po talaga si Doc, Nabingwit nya po kasi si Architect Santiago"

Nagbilin ako kay Yesha about sa boutique at sa mga darating na customers. Wala naman daw problema dahil may iilan rin namang staff sa boutique kaya hindi sya mahihirapan.

We took the short cut dahil traffic na naman sa Naic at baka ma late kami sa ribbon cutting ni Louie. Syesa updated us na nandoon na raw sila ni Xzaey. When I pull over, muntikan akong may maurungang sasakyan dahil mali ang pagkaka parking nito.

Sayang ang mercedes nya kung hindi sya marunong mag park.

"Dami na atang lasing sa loob" saad ni Isabel dahil malakas na ang tugtugan sa loob. Hindi na nga kami naka abot sa ribbon cutting!! Kasalanan ito ng traffic e.

"Hoy Aliana!" napa pikit na lang ako dahil narinig ko na naman ang boses ni Ivo. Partida hindi pa ito lasing pero boses bangag na.

"Ano nanaman pakulo mo, Ivo" saad ni Isabel.

"Lah papansin?! Purkit may architect oh" sabi naman ni Ivo at umirap pa. Arte talaga ng lalaking ito.

"Tara dito, Aliana! May papakilala ako sayo, Model!!" sambit nya at hinila na ako nang dire-diretso. Kung sino sino tuloy ang nabangga ko at panay ako sorry!!

"Ivo—" napatigil ako nang may lalaking naka bangga sa akin at halos lumuwa ang mata ko nang bigla syang sumuka sa damit ko!

Oh my freaking gosh!!

"HOY AY HOY!! HEY YOU CYRUS!! WHAT THE HELL DID YOU DO?!" sigaw ni Ivo pero nakatitig lang ako sa mukha nang lalaking nasa harapan ko.

Gusto kong magalit pero hindi ko magawa, para akong ginagayuma ng mga mata nya.

"I'm sorry, Miss. Btw, what's your name?" mukha syang foreigner.

"Ah—ano"

Magsasalita na sana ako pero biglang nagsalita si Ivo.

"Luh, Aliana! Tinamaan sa Teacher"

Tinamaan na nga ata.

Couturier, Did you make this?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon