01

13 4 37
                                    

"Tapos, Isabel! Nainlove na yan si Aliana doon—"
agad kong tinakpan ang bibig ni Ivo dahil napaka oa nyang lubos. Sakto namang dating ni Rj na kakaiba ang ngisi kaya naman napa buntong hininga na lang ako.

"Oo kita ko ayan si Aliana, nagpuso yung mata nung nakita si Cyrus e" sambit nya kaya napadpad ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko.

"What?" medyo defensive kong tanong.

"Grabe, nawala lang ako saglit may crush ka na?" pang aasar na saad ni Isabel.

"Dapat pala dati ka pa nagtayo ng restobar, Louie" gatong pa ni Syesa bago tumawa nang malakas. Nakakainis kasi si Ivo e, tapos dumating pa si Rj, mga bwisit talaga sila sa buhay.

"Kung walang Bf tong si Isabel baka maniwala pa ako na sya yung nagkakagusto, pero si Aliana? Luh, suntok sa buwan" saad ni Rj kaya binato ko sya ng pipino.

"Hoy ang kalat!" sambit nya pero inirapan ko lang sya.

Hanggang sa maka uwi kami ay wala silang tigil sa kaka asar sa akin dahil doon sa Cyrus na iyon. E kasi natulala lang naman ako diba? Normal lang naman ang matulala.

Okay? Normal lang ito.

"Miss A, kung may large size daw po ba"

"H-ha?" hala dali, lutang na rin pala ako. Nginitian ko muna iyong customer bago nailabas yung hinahanap nya na size. Nirecommendan ko rin sya ng iba pang designs at mukhang nagustuhan nya naman iyon.

Paglabas na paglabas nya ay nilapitan ako ni Yesha at pumangalumbaba sa harap ko.

"Miss A, Gusto ko na ng lovelife, ikaw po ba?" nakakabiglang saad ni Yesha.

"Ha, wala pa sa isip ko e" kalmado kong saad.

"Sabagay, busy din po kayo e. Pero alam nyo po ba may nakilala ako sa Canada dati nung nagpunta tayo kay Mr. McFriem. Engineer daw po e, tapos filipino din sya" pagk-kwento ni Yesha. Iisa lang naman ang kilala kong engineer dito e, iyong kaibigan ng architect ni Isabel.

"Baka si Miko yon? Kaibigan ng architect ni Isabel" pabirong sabi ko.

"Hmm. Hindi ko po kasi natanong ang pangalan e, may picture po kayo? Baka sya na po ang para sa akin!!" masiglang saad nya at pumikit pikit pa.

Napailing na lang ako at nagpunta sa IG ni Isabel. Nasa following nya naman iyon kaya agad kong nakita at nag hanap ng picture para maipakita kay Yesha.

"Ito ba?" agad syang lumapit sa may screen at nakita kong nanlaki ang mata nya bago nagtakip ng bibig.

"Hala!!!!" halos tumili na sya.

"Nako, Miss A! Kakaibiganin ko talaga si Doc para ireto nya ako dyan! Yan yung nakita ko sa Canada, Madam!" masayang saad nya.

I'm on my way to YC-C Law firm, Para ito sa case ng papa ni Yesha. Nagsabi naman ako kay Xzaey na pupunta ako ngayon at sige lang daw. Dumaan muna ako sa drive thru ng KFC para bilhan sila ng lunch doon, kulang na lang kasi ay nga papel na ang kainin nila.

Pagkakuha ko ng order ay dumiretso na ako sa firm. Tinanguan na lang ako ng guard dahil pang ilang beses ko na ring nagpunta dito. Sinabi rin siguro ni Xzaey na may sched ako ngayon kaya naka diretso ako ng pasok.

"Hoy lunch" sambit ko pagkarating ko sa office ni Xzaey. Nasa kaliwang gilid nya si Atty. Yocampo habang sa kanan naman ay si Atty. Viliora. Dinalhan ko rin sila ng pagkain at nagpasalamat naman sila. Umupo ako sa may sofa at saktong sarado naman ni Xzaey doon sa binabasa nya.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko habang pinapanood syang ilabas iyong pagkain na nakalagay sa supot. Tinawag nya na rin sila Yurisel para sabay sabay na silang kumain.

Couturier, Did you make this?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon