03

8 2 8
                                    

Halos hindi yata ako nakatulog kagabi. Magdamag kong inisip yung sinabi ni Cyrus. After kasi nyang sabihin yon ay tinawag kami ni Damiel dahil may palaro daw sa loob.

"Tanginang laro yan, pambata"

"Bobo ka, Ivo. Ni hindi ka nga makabasag ng palayok tapos papangarapin mo pang manalo dito" saad ni Cedie at napailing pa.

May kinuha silang pisi at sinabitan ito ng donut. Nakabitin iyon sa isang bakal at ang kabilang tali naman ay nakabitin sa paa ni Ivo, Rj at Cedie. Ang goal daw ay makain iyong donut.

"Gago isali mo yang si Rykyohan"

"Puta ayoko, may flight pa ako mamaya"

"Arte mo bangasan ko bunganga mo e"

"Yerice alam—"

"Ito na nga e sasali na"

Habang naglalaro sila ay hindi na maipinta ang pagmukukha nila. Puro asukal na ang mukha ni Ivo dahil nagb-bounce lang sa mukha nya iyong donut. Habang si Cedie naman ay cinareer ata dahil patapos na.

"Nag piloto pa ako, e ito lang pala ang tatapos sa akin" saad nya kaya natawa kaming lahat.

"Puta madaya si Cedie may kapit ng swerte"

"Ingay mo, Syesa, para kang siraulo" sambit ni Rj kaya inambaan sya ng suntok ni Syesa. Si Yurisel naman ay napailing na lang.

After ng palaro ay nagpatugtog na si Xzaey. Para na silang mga siraulong nagwawala sa dancefloor.

"Tangina, sakit talaga, pre"

"Kingina mo ang tanda mo na nab-broken ka pa rin sa crush"

"Lumbay talaga, Cedie"

Palabas na sana ako pero kinawayan ulit ako ni Cyrus. Naisip ko nanaman tuloy ang sinabi nya kanina.

"Lalabas ka ulit?" tanong nya kaya tumango ako.

Nagpaalam sya kala Ivo bago sumabay ng lakad sa akin, pumunta lang ulit ako sa pinagpwestuhan ko kanina at tumabi naman sya sa akin.

"Nawala yung mga buwan, parang uulan" saad ko.

"Yes. Check the weather" sambit nya.

Napatingin tuloy ako sa cellphone ko. 80% ang chance na umulan, wala na naman akong payong.

"Yung sa sinabi mo kanina—"

"No worries. I just let it out, ilang years ko rin bago nasabi. And also, i'm not obliging you to like me back, Aia. I like you even you like me or not. And that's enough for me" sambit nya kaya napatulala na lang ako sa kanya.

"Naambon na, tara na sa loob" sambit nya bago ilagay ng kamay nya sa ulunan ko para hindi ako maambunan.

"Madam, kahapon ikaw ang sabog, ngayon ata pati ako na" sambit ni Yesha habang nainom kami ng kape dito sa botique. Mamaya kasi ay may lakad kami para sa mga brands kaya maaga kaming nagpunta rito.

"Anong ganap sa inyo ni Miko?" sambit ko at humarap sa pwesto nya. Kita ko ang pamumula ng mukha nya bago mahinang tumili.

"Miss A!! Sobrang bait nya!!" saad nya at kinuwento ang mga nangyari kagabi.

"E ikaw ba, Miss A? Anong ganap?" tanong nya. Napabuntong hininga ako bago sinimulang i kwento sa kanya ang mga nangyari kagabi.

"EDI IBIG SABIHIN DATI KA PA PALA GUSTO NI CYRUS?" gulat na gulat nyang sabi. Tumango ako kaya nagtitili ang babaeng ito. Napailing na lang ako bago muling uminom ng kape. Hay buhay.

Mag aalas nuebe na nang makarating kami sa QC. Dito kasi ang office ni Mr. Bieno. Sinalubong din kami agad ng secretary nya at dinala sa meeting room.

"Goodmorning, Ms. Forteza and Ms. Sotto. Please take a seat" sambit ni Mr. Bieno.

Isa sya sa mga prinioritize ko na client dahil he knows Yesha. Ang iba kasing nage-email sa akin ay puro ako lang ang kinukuha, but I always refuse it. There's no me kung wala si Yesha.

We discussed about what kind of clothes they want. Nag propose din kami ni Yesha ng mga suggestions na nagustuhan naman ni Mr. Bieno. We also asked if what kind of fabrics do they want. Marami kasing designer ang puro sa design at itsura lang ng damit nagf-focus. But me and Yesha, we always consider the quality and how comfortably they would feel in wearing the clothes.

"Thank you very much, Mr. Bieno. We will do our best, thank you for trusting us" saad ko bago kami umalis sa opisina nya.

Mayroon pa kaming pupuntahan sa Las Piñas tsaka sa Pasay, pero parang dito pa lang ay pagod na ako. Napagdesisyunan muna namin ni Yesha na dumaan sa shop nila Louie dito sa QC. Nauna nang pumasok si Yesha sa shop dahil nag parking pa ako.

Pagkapasok ko ay kinawayan agad ako ni Yesha at pinaupo sa tabi nya. Napakunot ang noo ko dahil may dalawang lalaking nakaupo sa harapan nya. Pagkalapit ko ay halos lumuwa ang mata ko nang makita si Cyrus at Ridge na nakaupo sa harap ni Yesha.

"Hi" saad ni Cyrus at nginitian ako. Napatango lang ako sa kanya at naplipat ng tingin kay Yesha. Nginitian nya lang ako at kukurap kurap, pambihira ang babaeng ito.

"Hey, anong sa inyo?" tanong ni Ridge. Mukhang sya ang tumatao ngayon dito dahil wala si Louie.

"Oh well, Louie is in Cebu. Tomorrow pa ang uwi" sambit nya. Iced Americano na lang ang inorder ko at ganoon din ang kay Yesha. Nagpanggap pa talaga syang may ka chat sa cp at inilapag nya ang bag nya sa gilid para hindi ako makaupo doon! Talaga naman ang babaeng ito!!

No choice tuloy at sa tabi ako ni Cyrus umupo.

Wow, Aia, choosy ka pa?

"Hi"

"Hi"

Para kaming tanga, ano ba yan.

"You free today?" tanong nya at napakamot sa batok.

"Hi—"

"Oo naman, Sir! Free na free yan si madam ngayon ano. Feel ko need nya ng gala kasi galing kami sa meeting e, need ng pang fresh ng mind" sambit ni Yesha at ngiting ngiti pa. Ang babaeng ito talaga!

Pero may meeting pa kami!

"Oh, really? Do you want to go shopping?"

"Nako, sir! Feel ko as bet nyan manood ng cine para relaxing" sambit ni Yesha.

"Okay, Wait a minute"

"Hala huyy hindi ano"

"Ay, Miss A! Una na ako ha? Bye, Sir! Ingat kayo sa date!" sambit ni Yesha at nagmamadaling umalis. Natawa na lang tuloy si Cyrus bago tumingin sa akin. Bigla naman akong nahiya kaya nag iwas agad ako ng tingin.

Yesha naman kasi e!

"So, anong gusto mong panoorin?"

"Ay kahit ano" saad ko. Tumunog ang Cp ko kaya naman tinignan ko ito.

yeshamazing: go, madam! kaya ko na tong meeting! enjoy (*'︶'*)╯♡

Couturier, Did you make this?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon