07

5 1 0
                                    

Today is Ivo's birthday at dahil napaka kuripot ng lalaking ito ay nagpasya sya na dito na lang ulit sa Resto Bar nila Louie mag celebrate. Knowing Louie, nilibre nya na naman ang damuhong ito at hindi naman tumanggi si Ivo. It's already 3pm at nandito kami ngayon ni Cyrus sa MOA . I just came back from Italy 3 days ago at si Xzaey lang ang nakakaalam. Actually ay wala akong balak pag sabihan sa kanila but accidentally, nakita ko si Xzaey sa shakeys at kakatapos nya lang makipag meeting sa client nya. I don't need to tell her na wag munang sabihin kala Syesa dahil parang alam nya naman na.

"How about wallet?" Cy asked dahil nandito kami ngayon sa Gucci.

"Wallet e kuripot yon" saad ko kaya napatawa din si ate na naga-assist sa amin.

"Shirt? Polo?"

We both agreed na polo na lang ang bibilhin dahil magagamit din iyon ni Ivo for work. Kailangan sa kanila ang laging naka formal attire kaya sure na magagamit nya iyong mga pinili namin.

Ginawan ko rin sya ng personalize scarf at ibinurda ko doon ang pangalan nya. Nagdagdag lang talaga kami ng shirt ni Cy dahil minsan lang naman daw.

"The prosecutor said that the party will start in a bit" sambit nya bago itinuro iyong seatbelt ko. Ngayong nasa pinas na kami ay kotse naman nya ang gamit namin. Yesha is on her way here dahil nauna lang ako sa kanya ng flight because she needs to finish some stuffs.

"I wonder what will happen later, last year Ivo cried" sambit nya kaya napakunot ang noo ko. Umiyak? Parang wala naman syang nakwento sa akin.

"Don't look at me like that. They said that I shouldn't tell-"

"Ano yon?"

"Sino ba kasing nagsabi na wag kong sabihin sayo?" napakamot sya sa ulo bago sabihin ang nangyari sa akin.

Natalo daw pala sa trial si Ivo noong araw na yon tapos na broke daw dahil iyong nakatalo sa kanya ay yung lalaki na naging dahilan kung bakit nag cheat sa kanya yung girlfriend nya noong highschool.

"Anong itsura nya noong umiiyak?" tanong ko dahil nac-curious ako.

"Mess. Real mess" saad nya at tila inaalala pa ang nangyari.

There are lots of cars sa parking lot. Most of them ay alam ko kung kanino. Mukhang pina private muna ni Louie ang Resto Bar nila ngayong araw dahil walang gaanong napasok.

Before we push the door ay iniisip ko na kung ano ang magiging reaction nila pag nakita ako. But I was surprised dahil pagbukas ko ng pinto ay may sumabog na confetti at sabay sabay silang sumigaw.

"Welcome back, Aliana!" saad nila.

There are some cameras at hindi ko na naitago ang reaction ko. I greeted all of them and had a small talk to some of them. Birthday ni Ivo pero parang naagaw ko sa kanya ang spotlight ngayon.

"Hindi mo ba ako na miss?" pang aasar ni Ivo pero inirapan ko lang sya at iniabot ang regalo namin.

"Tangina Gucci, par" napailing na lang ako dahil sa naging reaction nya. Nagkamustahan kami bago ako maupo sa pwesto namin. As usual, tatlo pa lang kami. Si Isabel ay otw pa lang at si Yerice naman ay lumabas dahil may tumawag daw na kliyente. Si Cy naman ay sumama sa asawa ni Syesa. Nandoon din si Rykyohan kaya hindi naman sya mao-op doon.

"Leche ka, tagal mong umuwi" sambit ni Syesa at hinila ang buhok ko.

"At least ako napunta agad sa mga occassions. Yung dalawa nga laging busy e" sambit ko kaya napailing na lang si Louie.

"Nasaan si Seleste?" tanong ko dahil hindi ko pa nakikita ang inaanak kong iyon.

"Edi nasa lola nya. Sis, birthday to? Alangan dalhin ko yon dito edi nakita nya gaano kagaga ang nanay nya" sagot ni Syesa sabay inom.

Couturier, Did you make this?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon