02

13 4 31
                                    

A/N: short update, sirang sira na pagiging lowkey ko sa mga performance task

Halos hindi tuloy ako naka tulog kagabi. Maaga pa lang din ay nagpunta na ako sa boutique, halos mag panic nga si Yesha nung nakita nya akong tulala pero okay lang naman ako. Bumili muna sya ng pagkain dahil hindi ako naka kain sa bahay.

Pagkabalik nya ay ini ayos nya muna iyon bago ako yayain na doon muna sa may lounge, nandito na rin naman ang ibang staffs kaya binilinan muna sila ni Yesha. Nakakahiya, nalutang ako dahil doon?

"Kain muna, Miss A" sambit ni Yesha at iniusod ang plato na may cupcake sa harapan ko. Tinitigan ko lang yon at kumuha ng isa.

"Hulaan ko, Miss A, lalaki ano?" sambit nya kaya naman nanlaki ang mata ko. Hala halata ba?

"Kasi Miss A, never ka naman naging ganyan kahit marami tayong rush orders, kahit sa mga collabs hindi rin. Family? impossible, Friends? hindi rin, kaya sure ako lalaki yan, Miss A" sambit nya.

"Halata ba?" tanong ko.

"Yes, Madam. Hulaan ko ulit" sambit nya at umayos pa ng upo.

"Una, impossibleng kay Madam Louie, kasal na yon e. Next is si Doc, may Archi na yon. Si Commander naman may Atty na, masaya na rin naman sila. Si Prosecutor naman, ano—parang, impossible, Miss A. Parang mas gugustuhin nya pang pakasalan yung mga codal kesa sa totoong tao e, kaya sure ako na lalaki mo yan, Miss A" dire-diretsong sabi nya kaya napailing na lang ako.

Ang lala ko na nga.

Napag usapan namin ngayon na magkita kita sa RestoBar nila Louie sa Tagaytay, malapit na kasi ang bday ni Isabel kaya naisipan namin syang i surprise. Kinuntyaba na lang namin si Kean na sya ang maghatid kay Isabel.

"Ang expensive nyo talaga, Miss A" sambit ni Yesha na nasa gilid ko ngayon. Nagpapalobo kasi kami ng mga balloons at sila Syesa naman ay nag aayos ng lights.

"Tanginang Isabel yan, pinaghahandaan" sambit ni Ivo habang nagbobomba doon sa inflatable pool, ipapalutang kasi iyon sa swimming pool mamaya.

"Tanga ka kasi" sambit naman ni Cedie.

"Tanga kayo both" saad ni Rj na inaayos ang ibang mga upuan. We're all busy but we make time for this, because at the end of the day, we're family.

"Grabe sila, Miss A" napapailing na sabi ni Yesha kaya naman napailing na lang din ako.

Inaayos ni Louie iyong ibang pagkain at tumulong na rin ako, si Xzaey naman ay nag aayos doon sa sound at sya daw ang magd-dj ngayon. Si Syesa ay nakikipag away kala Ivo at Rj.

Sila Damiel ay kasabay daw Yurisel at Isaac, mga galing pa kasi sa trabaho kaya naman hahabol na lang daw sila.

"Napaka pa-importante talaga ni Isabel, ang sarap talagang dakdakan ng babaeng yon e" pagrereklamo ni Rj bago nila sabay sabay na ibinato iyong inflatable pool doon sa swimming pool.

"Sunduin ko lang si Miko" sambit ni Ridge, iyong asawa ni Louie.

"Miss A—"

Napalingon ako kay Yesha na parang kamatis na sa sobrang pula.

"Oh ayan makikita mo na si Miko, malalaman mo na kung sya yung nakita mo sa Canada" sambit ko bago ako paghahampasin ni Yesha dahil sa kilig.

"Mahihimatay ata ako, Miss A" sambit ni Yesha.

"Labas muna ako, sunduin ko lang si Inie" saad ni Xzaey bago lumabas. Napatingin ako kay Yesha na naka kunot ang noo.

"Ayos ka lang?"

"O-opo"

Maya maya at dumating na sila Keja. Nagtago kami sa may backdrop at pinatay namin ang ilaw.

"Tanginang ang dilim naman dito, naghihirap na ba sila Louie at walang maipangbayad—"

"TANGINA RJ YUNG BRASO MO NADADALI MUKHA KO—AYYY!! Happy Birthday, Isabel!"

Wala na! Si Ivo naman kasi talaga e!! Puro kalokohan sa buhay!!

"Tanginang Ivo yan" sambit ni Rykyohan na kakarating lang kasama ang iba pa nilang kaibigan. Idagdag pa natin na sobrang daming kaibigan ni Isabel kaya naman punong puno talaga ang lugar.

Nagpaalam muna ako kay Yesha dahil magkasama na naman sila ni Miko at nag uusap. Lumabas ako sa lounge at nagpunta sa may gilid ng pool. 4:32pm na kaya naman tanaw na ang malapit na lumubog na araw.

"Hey"

Agad akong kinilig.

Ay, nagulat pala!

"Uy" nahihiyang sambit ko at naramdaman ko ang pagtabi nya sa akin. Luh, Aliana, ano na?

"Why are you here? They're all there" sambit nya.

"Sure kang lahat?" tanong ko dahil may kilala akong isang tao na banas na banas sa ingay dahil magbabasa sya.

"Well, Except the Prosecutor" sambit nya at napakamot sa batok.

Pogi.

"Gusto ko lang mag pahinga, nakakapagod kanina e" sambit ko. Tapos bukas ay may lakad pa ako dahil sa im-meet na collaborators from other brands.

"Okay. Samahan kita mag pahinga"

Pwede namang sya na lang ang pahinga ko.

Hala ano ba!

"Thank you" sambit ko at natahimik na lang ulit kaming dalawa.

"Did you know that I know you?"

"Oo? Nung nasukahan—"

"No. Not that" sambit nya na ikinagulo ng isip ko, ano daw?

"I'm Rykyohan's bestfriend. We studied at the same school back then" sambit nya na ikinagulat ko. Hala totoo ba?

"Seryoso ba?" di ko maka paniwalang sagot.

"Yes. I just go to LA for my college and for my grandpa" saad nya habang nilalaro ang tubig sa pool.

"Hindi kita napapansin dati" sambit ko.

"I'm admiring you from afar. It's kinda creepy but, someone tells me that you have a plan. And having a relationship isn't part of it. That's why I set boundaries, well I have no regrets, look at you now"

Totoo ba tong naririnig ko?

Seryoso ba talaga?

"Huh?!"

He chuckled.

Pogi talaga!!

"Yeah. I have a crush on you back then" he look at me with a sincere eyes.

"Until now, Aia"

He knows my nickname!!

"Ang... di ako makapaniwala like, seryoso ba? Sino namang nagsabi sayo na wala yon sa plano ko? I mean, bakit ka naniwala sa kanya?"

"First, I asked your fam. They don't have any problem with that, they said that it depends on you. But I asked your friends, I told them to keep it a secret. Louie said that she will support me in pursuing you, because she said that we can be great together. I asked Syesa and Isabel, kaso tumili lang sila, they said na kinikilig sila and I should go for it. And then, I asked Yerice. From all of them, she gave the most short but deep answer. She said that 'wait for her, she has a dream to chase. you two will be great' and it deepened in my system. That's why... i'm always looking at you... from afar"

Couturier, Did you make this?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon