I

6.2K 150 12
                                    


" Hoy Pulubi, Umalis ka dito hinaharangan mo ang mga paninda ko!  "


Nagising ako ng Maramdaman na may sumipa sa Paa ko, Unti- unti kong dinalat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang Nag-uunahan na mga sasakyan sa gilid ko.



Susuntukin ko na sana ang Lalaking sumipa sa paa ko ng biglang sumakit ang Ulo ko, Napapikit ako ng Ilang minuto dahil dun. Nang mawala ang sakit ng ulo ko ay muli ulit akong Dumilat.



" Pagbalik ko na nandito ka pa ay sasabuyan na kita ng kumukulong tubig."



Hindi ko pinansin ang Lalaki bagkos ay tumingin ako sa Buong Kapaligiran at pinagmasdan ang Itsura ko mula sa mga Sasakyan na dumadaan.


Anong nangyayare? Bakit nasa ibang katawan ako? Why I'm alive? Is this real or perhaps I'm just dreaming?


Tumayo ako at Naglakad. Pinagmasdan ko ang buong kapaligiran at hindi makapaniwalang nakatingin sa mga nadadaanan.


Nasan ba ako? Nasa ibang bansa ba ako?




" Arthia! Arthia dulo, "

" Boss, Dadaan ba yan sa  Arthia Bridge? "



" Oo Miss,Dadaan to sa Arthia Bridge, sumakay kana. "





Napatingin ako sa Konduktor ng bus na nakatayo sa Entrance ng Bus, Sumisigaw ito at nagtatawag ng mga pasahero.






Teka, Arthia? Saan lupalop ng Pilipinas yun?





" Ikaw Miss, Sasakay kaba? " Mabilis akong Umiling ng Tumingin sa akin ang Konduktor. Nanlaki ang mata ko ng biglang may lumitaw na kakaibang bagay sa gilid ng lalaki at may mga nakasulat duon, para itong hologram or hologram talaga ito?







Jose Suson, Isang kundoktor at May limang anak.








Ano yung mga nakita ko? Is it the details of the person?











Sure akong nasa Pilipinas lang din ako dahil ang mga tao ay Nagtatagalog, Pero bakit hindi pamilyar ang Lugar na ito? Idagdag pa na everything here is far different from Philippines I know, Marami na akong napuntahan na lugar sa Pilipinas maging sa Ibang bansa ngunit this place is not Familiar to me.






" Mama, Tignan mo yung babae ang dungis at Ang dumi ng kaniyang damit. "





" Mag-aral ka ng mabuti Anak para hindi ka magaya sa kaniya... "







Huminto ako at Tumingin sa Mag-inang nag uusap habang nakatingin sa akin. Inamoy amoy ko ang Sarili ko at Talagang masasabi ko na totoo ang pinag-uusapan nila. Bukod sa sobrang dungis ko ay Napakabaho ko rin, Hindi ko alam kung ilang araw ng hindi naliligo ang may- ari ng katawan na ito.







Napasandal ako sa Pader ng Biglang sumakit ang Ulo ko, Napaupo ako sa Lupa at Napapikit sa sobrang sakit ng ulo ko. Pagkapikit ko ay May mga imaheng nagsipasok sa Isip ko.







Reincarnated as HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon