X

2.3K 123 50
                                    



" Is it true that you are in Class D-8? " umigting ang panga ni Michael at matalas akong tinignan.


" Yes. "


" Paano nangyare yun? Hindi kaya nagkamali lang ang Dean ng lagay sayo sa section na yun? Those class is full of troublesomes! For gods sake. " Bahagyang lumakas ang boses ni Michael kaya pinagtitinginan na kami ng iba.


" I am trouble itself Michael and Based on Lolo may kinalaman ang mga kapatid ni Papa sa pagiging last section ko. " Hininaan ko ang boses ko na sakto lang na maririnig ng Pinsan ko.

Nanlaki ang mata ni Michael at tila may gustong sabihin ngunit inunahan ko na siya.


" Maraming salamat sa pag-aalala pero ayos lang ako, Babalik na ako sa mga kaklase ko. " Tumalikod na ako kay Michael pero imbis na bumalik ng cafeteria ay pumunta nalang akong Cr.



Pabalik na ako sa room ng harangin ako ng grupo ng mga kalalakihan, Ngumiti ako ng pagkatamis tamis ng makita ang pamilyar na mukhang nangunguna sa unahan. Kung hindi ako nagkakamali siya ang nakalaban ni Michael nung unang araw ko sa klase.




" Sumama ka sa amin kung ayaw mong mapahamak ang pinsan mong si Michael. "Tumaas ang kilay ko sa narinig.




Si Michael?





Ngumiti ako at nagtaas ng dalawang kamay.
" Okay. "






Well, Michael is my cousin. So i guess i don't have a choice right?











Eren's POV






Kasalukuyan akong nagwawalis ngayon sa classroom dahil ang 'raming kalat, Nakakasigurado ako na ako ang mayayare kapag naabutan ni Boss na makalat ang klase.





Speaking of boss, Saan nga ba ito nagpunta? Mula ng magkausap sila ng pinsan nitong si Michael ay hindi na ito bumalik kahit pa na nakabalik na si Michael sa Cafeteria.





" Eren! Eren. " Nilapag ko ang hawak kong walis at hinarap si Sebastian na tila parang tinakasan ng kaluluwa.





" Oy. Anong nangyare sayo Sebastian? " Sabat ni Mateo na naglalaro ng dart.





" S-si Heaven. " Kinakabahan nitong sabi.





" Si Boss? Anong nangyare kay Boss? "






" Huy sebastian, Sasagot kaba o ano? " Dagdag ko pa dahil ang gago ay parang nakagat ang dila na hindi makapagsalita.






" Kase si Heaven. Pilit siyang pinasama ng grupo ni Parker sa Abandonadong gym dahil hawak nila si Michael. "






" Si Michael Lee ba? " Tanong ni Hiro na may hawak na Libro.






" Oo. siya nga. " Mabilis na sagot ni Sebastian.





" Pero kakasalubong ko lang sa kaniya kanina pagpunta ko sa Dean Office. "





Nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi ni Hiro, Kung ganun nasa pahamak si Boss! Mabilis kong kinuha ang walis na tinabi ko sa gilid at dali daling lumabas.





Reincarnated as HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon