SI ANA

34 6 0
                                    

si Ana‘y lumaking walang ama at inanamuhay sa puder ng kan‘yang lolo‘t lola,sa murang edad ay mulat na s‘ya sa kahirapanngunit may pangarap na walang hangganan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


si Ana‘y lumaking walang ama at ina
namuhay sa puder ng kan‘yang lolo‘t lola,
sa murang edad ay mulat na s‘ya sa kahirapan
ngunit may pangarap na walang hangganan.

kapos man sila sa pera,
ngunit hindi ito hadlang upang tuparin ang pangarap nya; nagsikap, nag-aral, at naniwala na kaya n‘ya.
at siya‘y nakapagtapos at naghakot ng medalya.

tumandang magalang at marespeto
dahil iyan ang turan ng kaniyang lolo,
“maging matatag kapag may problema“
iyan ang turo ng kaniyang lola.

ito ay kan‘yang isina-puso
at itinuro sa mga bata bilang isang guro — oo
siya‘y isa ng guro,
pinatunayan n‘ya na hindi hadlang ang pagiging mahirap para maabot ang pangarap mo.

Iyan si Ana.

Posted : Sept. 19, 2022.

Inks And Words (One-shot stories and poems)Where stories live. Discover now