"Lumad" The Restless Soul

10 7 0
                                    


Halos matagal bago naproseso ni Mrs Pareñas ng lahat.

"Apo sino po ung aninong puti?kaluluwa din po ba siya na ligaw.

Balak rin ba niyang agawin ang katawan ng anak ko?" Tanong ni Mrs.Pareñas.

"Magiging honest ako sa inyo misis. Hindi ako tiyak kung kaluluwa ba puting pigurang nakita ko o ibang nilalang.

Magaan ang awra nito at nakalutang ito sa hangin. Pero walang kislap ang mga mata nito tulad ng mga "Lumad"

Hindi rin ito ligaw na kaluluwa. Walang taglay na liwanag ang mga ligaw na kaluluwa pero ang nakita kung puting anino ay may nakakapang akit na liwanag sa kanyang likuran.

"Sino ang aninong iyon?

kung wala siyang masamang hangad sa anak ko bakit siya palaging nakasunod tulad ng nakita nyo Apo Rabang?

Si Gene kaya ang puting anino?

Ibig po bang sabihin ay posibleng kaluluwa rin si Gene tulad ng aninong lumad?

Ibig sabihin hindi gawa gawa lamang ng anak ko si Gene. Totoo si Gene pero sa kabilang mundo ito nakilala ni Dane" sabi ni Mrs.Pareñas.

Totoong nakasama ni Dane si Gene at ipinag papasalamat ni Mrs. Pareñas na hindi nasisiraan ng bait ang anak.

"Hindi ako nakakatiyak, tulad nga ng sinabi ko walang palatandaang kaluluwa na ang aninong puti. At hindi rin ako sigurado kung ang aninong puti na sinasabi ko ay ang GENE na sinasabi nyo.

Isang paraan lamang ang makakasagot sa mga tanong ninyong iyan. Delikado at masyadong mapanganib"

Sabi ng matandang babaylan saka tinitigan ang nakapikit pa ring si Dane.

"Anong paraan po Apo Rabang?"

Tanong ng kasamahang babaylan.

"Tatawaging natin ang kaluluwa ni Dane dito sa mundo natin at tatawagin din natin ung Gene.

Kung talagang nasa kabilang mundo ang Gene na binabanggit ninyo maririnig niya ang tinig ko.

Pero sa oras na matawag natin ang kaluluwa ng inyong anak. Hindi niya tayo makikita o maririnig.

Kaya wala tayong kakayanang utusan o baguhin ang magiging desisyun ni Dane.

Sa pagpasok ko sa mundo ni Dane ay nakita kong tila gusto na ng anak nyo ang mundong iyon sa kabila ng mga panganib.

Para bang doon sa mundong iyon ay natatagpuan niya ang kaligayahan hindi niya maramdaman sa mundo natin.

At posibleng kapag tinawag ko ang kaluluwa ni Dane ay hindi na nito naisin pang bumalik sa kanyang katawang lupa" Sabi ng matanda.

"Oh my god"

Kinikilabutang sabi ni Mrs. Pareñas.

Tanging si Gene lamang ang ating pagasa.

Siya ang makikita ni Dane at siya lamang ang pakikinggan nito.Sa pagtawag ko ng kaluluwa ng dalawa ay posibleng hindi lamang kaluluwa ni Dane ang makarinig kaya delikado.

Nasa paligid lamang ang mga nag aabang na Lumad.May kakayanan silang gumala sa mundo ng tao at sa kabilang mundo

"ano po ang kailangan nating gawin Apo?"

Kailangan nating sumugal.

Matagal na panahon ng wala sa mundo natin

si Dane. Ang kanyang katawang lupa na lamang ang nananatili dahil sa puwersang gumagabay sa kanya na hindi tuluyang lamunin ng kadiliman.

Whisper In the Rain BxB (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon