The Whisperer

11 7 0
                                    


          💥 Chapter 10 💥

.

Isang malakas na lagabog ang narinig sa katahimkan ng gabing iyon.

Nang sabado ng gabing iyon dalaang taon na ang lumipas, dalawang nilalang ang hindi na nakabalik pa sa katotohanan

Ang isa ay nasa kanyang katawan pero ang kamalayan ay nasa parang

At ang isa ay nasa paglalakbay sa kawalan. Hinahanap ang nakaraan at hinahanap ang katarungan.

Labis na lumuha si Dane sa pagkakaalala sa lahat ng nangyari sa kanya Dalawang taon na ang lumipas. Ang pagkawala ng ama, ang tinakasang

Mundo ang kagustuhang lisanin ang lahat ng mapapait na alaalang iyon Dalawang taon na. Paulit ulit na bumabalik sa alaala niya ang Hitsura ng lalaking nakahandusay sa gilid ng kalsada.

Paulit ulit niyang naririnig ang tinig nito. Ang bawat pakiusap nito. Paulit ulit iyang binabangungot at tinatawag ng lalaking iyon.


The year 2012...... (Present Day)

Sumigaw si Apo Rabang. Halos gulapay na ito sa lakas ng enerhiya ng malaking aninong ayaw umalis sa paanan ni Dane.

"Kailangan kung sundan si Dane sa kanyang mundo.Kailangan kung tawagin ang binata kung nasan siya mismo kailangan kung tawirin ang lagusan"

Sigaw ni Apo Rabang.

Isang delikadong hakbang ang gagawin ni Apo Rabang.

Ang pagpasok at pagbasa sa aglalakbay ng isang nilalang ay mahirap na para sa isang babaylan.

Pero ang sundan at spiritwal na pumasok sa mundo ng kawalan at karimlan kung nasan ang isang nilalang ay mas delikado.

Sa sandaling hindi makatawid sa tamang ra ang mortal ay nangangahulugan itong makukulong na sa mundong iyon ang kanyang kaluluwa at hindi na muli ang makakabalik sa kanyang katawang lupa.

At yun ang ayaw mangyari ni Apo Rabang kay Dane.

Hindi niya matawag ang binata dahil ayaw siya nitong pakingga at may kung anong puwessa ang humahadlang dito at kailangan niyang personal na sunduin sa kabilang mundo si Dane kahit mangahulugan pa ito ng panganib sa kanyang buhay.

Noon pa mang muli siyang nakabnalik sa mundo ng mga buhay mataps mailibing at mabuhay pakatapos ng isang linggo.

At ipinangako na ni Apo Rabang na ipipigilan niyang muli pang magkatoon ng mortal na maliligaw sa ibabang mundo.

Mas hinigpitan ni Mrs. Pareñas ang hawak sa kamay ng kasamang babaylan.

Lumapit sila sa paanan ni Dane at hinawakan ang kamay nito.

Si Apo rabang naman ay binulungan ang kanyang baston saka hinalikan ang tila lilac na bato sa nakasabit sa kanyang dibdib.

Ang batong magsisllbing ilaw niya pabalik sa wal;ang hanggang kadiliman.

Sa sandaling itinuktok ni Apo rabang ang kanyang tungkod kasabay ng isang malakas na latinong orasyun. Tila sila pinalibutang ng iupo ipo.

Sari saring bulong sa hangin ang narinig ng lahat, mga panaghoy mga iyak at mga malilit na boes na tila nasa kalaliman at huihingi ng saklolo.

Unti unting nakita ni Mrs Pareñas ang pag hihiwalay ng kaluluwa ni Apo Rabang sa kanyang katawan.

Nawalan ng malay si Apo Rabang pero kabilin bilinan nito na kahit anong mangyari ay wag siyang bibitawan.

Whisper In the Rain BxB (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon